Connect with us

Showbiz

Kristine Hermosa nag-post ng napakasweet na mensahe para sa kaniyang mister na si Oyo Boy Sotto para sa ika-38 taong kaarawan ng aktres!

Published

on

Nagdiwang ng ika-38 taong kaarawan niya ang aktres na si Kristine Hermosa. Siya ay si Kristine Hermosa Orille-Sotto sa tunay na buhay.

Isa siya sa itinuturing na pinakamagandang aktres sa industriya ng showbiz. Marami sa kaniyang mga tagahanga ang talagang bilib sa angkin niyang talento sa pag-arte at ang kaniyang mala-Diyosang kagandahan.

Para kasing hindi siya tumatanda at nagkakaedad kung pagmamasdan mo ang kaniyang maamong mukha. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na maraming mga proyekto ang naipagkatiwala sa kaniya.

Taong 2011 nang magpakasal siya sa kaniyang nobyo na si Oyo Boy Sotto. Sa ngayon ay mayroon na silang limang mga anak sina Ondrea Bliss, Kristian Daniel , Kaleb Hanns, Marvic Valentin at si Vittorio Isaac.

Sa halos sampung taon na pagsasama nila ay talagang napatunayan nilang tunay at wagas ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa ngayon naman ay naroroon pa rin ang kilig at tamis sa kanilang pagsasama.

Hindi tulad ng ibang mga relasyon sa showbiz, isang napakagandang halimbawa ng mag-asawang Oyo Boy at Kristine para sa atin. Maaalala na naging usap-usapan din ang larawan ni Kristine noong kapapanganak pa lamang niya sa kanilang bunso.

Sadyang napakaganda kasi ng aktres at animo’y hindi nahirapan sa kaniyang pagsisilang. Para naman sa kaniyang kaarawan nito lamang ika-9 ng Setyembre ay pinasalamatan niya ang kaniyang asawang si Oyo Boy.

Ang araw kasi ng kaniyang pagsilang ang araw din kung kailan naglakas ng loob na mag-alok ng kasal ang aktor at naglakas loob din naman ang aktres na sumagot ng oo sa marriage proposal na ito. Laking pasasalamat din naman ni Kristine dahil sa ginabayan at hindi sila pinabayaan ng Panginoon sa kanilang buhay may-asawa.

Nagsisilbi din nga silang inspirasyon sa mas maraming mga Pilipino lalo na sa mga mag-asawa dahil sa matatag nilang pananampalataya sa Diyos at maayos na pagpapalaki sa kanilang mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media