Connect with us

Showbiz

JC Santos, mayroong mga sweet photos kasama ang kaniyang anak na si Baby River with their matching hairstyles!

Published

on

Si John Carlo Abrugar Santos o si JC Santos ay isang 32 taong gulang na aktor na hinangaan natin dahil sa mahuhusay niyang pagganap sa kaniyang mga proyekto tulad na lamang ng pagganap niya bilang si Alejandro “Ali” Nicolas sa TV series na “Til I Met You”. Pinagbidahan din niya ang mga pelikulang “100 Tula Para kay Stella” kasama si Bela Padilla, “Mr. & Mrs. Cruz” katambal si Ryza Cenon, at “On Vodka, Beer and Regrets” naman kasama muli si Bela Padilla.

Photo credit: JC Santos instagram

Isa sa mga naging pagkakakilanlan ng aktor ang kaniyang mahaba at kulot na buhok. Ngayon nga na isa na rin siyang daddy ay hindi maipagkakailang malaki ang pagkakahawig nila ng kaniyang anak na si Baby River Aletheia.

Tulad ng ibang mga celebrity kids ay mayroon na ding sariling social media account ang cute na cute na si Baby River. Dito makikita ang mga matchy at twinning poses nilang mag-ama.

Photo credit: JC Santos instagram

Madalas ding makita na kasama ng mag-ama ang ilaw ng kanilang tahanan na si Shyleena Herrera. Enero 2020 nang nasorpresa ang publiko dahil sa pagbabahagi nila tungkol sa pagbubuntis ni Shyleena sa kanilang unang anak.

Photo credit: JC Santos instagram

Ilang buwan pa ang nakalipas at ipinasilip na nila ang ilang mga larawan ng kanilang unica hija sa publiko. At ngayon nga ay talagang hindi na magkamayaw ang publiko sa angking ka-cutean ni baby River.

Photo credit: JC Santos instagram

Kwela din naman madalas ang mga matching posts nilang mag-ama. Sa ngayon ay mararamdaman talaga natin kung gaano kaligaya bilang isang daddy ang aktor na si JC.

Hindi madali maging isang magulang ngunit ang lahat ng hirap at sakripisyo ay napapalitan ng saya sa tuwing masisilayan niya ang kaniyang anak. Wala din namang ibang nais ang mga magulang kundi ang maging masaya, ligtas at malusog ang kanilang mga anak.

Photo credit: JC Santos instagram

Lalo na sa gitna ng pandemya ngayon na wala pa ring nadidiskubreng lunas o bakuna para sa mga bata.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media