Connect with us

Viral

Isang Pinay nanny sa Switzerland, pinalad na magkaroon ng amo na tumulong sa kaniya upang makapagpundar siya ng sarili niyang kotse at negosyo!

Published

on

Marami ang napa-sana all dahil sa napakagandang istorya ng Pinay nanny na ito mula sa Switzerland. Pangarap ni Cherrie Salamanca na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya dito sa Pilipinas kung kaya naman nagdesisyon siyang magtrabaho sa ibang bansa.

Hindi madali at talagang magsasakripisyo ka ng husto lalo na kung nagtatrabaho ka sa ibang bansa malayo sa iyong pamilya. Isa lamang ito sa mga pinagdaanan ni Cherrie.

Buti na lamang at nakatagpo siya ng isang napakabait na amo. Walong taon nang nagseserbisyo ang Pinay sa kaniyang French na amo na si Chloe Alzarka.

Ibinahagi niya na “all-expense paid” ang kaniyang mga amo sa pagkuha nito ng resident visa sa Switzerland. Magmula sa mga mga dokumento at lahat ng gastos ay ang kaniyang mga amo mismo ang gumastos.


Madalas magbakasyon at mamasyal ang pamilya nina Chloe kung kaya naman kasama din si Cherrie dahil sa siya ang nag-aalaga sa mga anak ng kaniyang amo. Dahil sa hilig nila sa pagbibiyahe ay marami nang napuntahang bansa ang Pinay.

Karamihan sa kaniyang mga napuntahan na ay sa Europe – Paris, UK at Italy. Nagmamay-ari din daw ng yate ang kaniyang mga amo kung kaya naman palagi silang naglilibot sa Italy.

Nagku-cruise sila sa loob ng halos 25 araw. Mayroon din siyang anak dito sa Pilipinas, maging para sa edukasyon ng kaniyang kaisa-isang anak ay tinulungan pa rin siya ng kaniyang mga amo.

Dahil sa napakagandang serbisyo ay nakabili na siya ng sasakyan, maliit na lupa at mayroon na rin siyang dalawang maliit na mga paupahan. Nang kapanayamin siya sa isang segment ng Eat Bulaga! ay ibinahagi din niyang malaki ang tiwala ng kaniyang mga amo sa kaniya.

Labis labis din naman ang kaniyang pasasalamat dahil hindi na siya tinuring na iba ng kaniyang mga amo. Sinong mag-aakala na makakamit niya ang lahat ng kaniyang mga pangarap dahil sa kaniyang mababait na mga amo?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media