Connect with us

Viral

Isang millionaire wife na 24 taong gulang pa lamang, mayroon nang 22 mga anak at 16 na mga nannies para sa kanila!

Published

on

Ang pagkakaroon ng mga anak ang isa sa mga pangarap ng isang mag-asawa. Ito kasi ang magiging dahilan upang mas maging matibay ang relasyon ng mag-asawa.

Ang isang kumpleto at masayang pamilya ay walang katumbas na halaga. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang isang 24 na taong gulang na babaeng ito, hindi lamang dahil sa isa siyang “millionaire wife” kundi dahil mayroon na siyang 22 mga anak!

Si Kristina Ozturk ay 23 taong gulang lamang nang makilala niya ang mister niyang si Gallip Oztur, 57 taong gulang. Mayroon na silang isang anak bago pa man nila napagdesisyunan na sumailalim sa “surrogacy” kung saan nabiyayaan pa silang muli ng 21 mga anak.

Sila ay gumastos ng higit sa P9.4 milyon para sa kanilang mga anak. Mayroon din silang mga live-in nannies na 16 na binabayaran nila ng higit P4.6 milyong kada taon.

Bata pa lamang daw si Kristina ay gusto na talaga nitong magkaroon ng malaking pamilya, kung kaya naman nang magkakilala sila ng kaniyang mister ay sinuportahan din niya ito ng husto dahil nangarap din siya na magkaroon ng malaking pamilya noon. Higit sa Php500,000 ang bayad nila bawat isang surrogate ngunit sinigurado nilang hindi nila kilala ang mga ito upang hindi sila magkaproblema sa hinaharap.

Sa ngayon ay nasa apat na buwan hanggang 14 na buwan na ang edad ng kanilang mga anak. Ayon sa ilang mga ulat, ang malaking pamilyang ito na nakatira sa tatlong palapag na mansyon ay kumukonsumo ng 20 mga malalaking package ng diaper at 53 package ng baby formula milk kada taon.

“It costs about $5,000-$6,000 per week for essentials for all the kids. Sometimes a little more, sometimes a bit less.” Pahayag ni Kristina sa isang interview.

Sa ngayon ay hindi pa raw nagnanais si Kristina na mag-surrogate pang muli dahil mas nais na din daw niya munang magbuntis sa natural na pamamaraan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media