Connect with us

Showbiz

Ina Raymundo, nagbahagi ng ilang mga larawan niya noong siya ay bata pa at talagang hinangaan ito ng publiko!

Published

on

Si Rina Marie Padilla Raymundo o mas nakilala natin bilang si Ina Raymundo ay 45 taong gulang na aktres, singer at modelo. Una na siyang nakilala noon sa TV commercial ng San Miguel Beer noong 1995 na “Sabado Nights”.

Sa ngayonay hindi na siya gaanong aktibo sa showbiz ngunit madalas pa rin siyang napapanuod sa mga vlogs at iba pang mga interviews online. Taong 2003 nang ikasal siya sa kaniyang mister na si Brian Poturnak, mayroon siyang dugong Canadian at Ukrainian at isa siyang businessma.

Nabiyayaan sila ng limang mga anak sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve. Tunay nga na sa paglipas ng panahon ay napanatili pa rin niya ang angkin niyang kagandahan at balingkinitang pangangatawan.

Maraming mga kababaihan ang talagang humahanga sa kaniya. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan nang kaniyang kabataan.

Una na riyan ang isang larawan kung saan makikita siyang nakasuot ng isang “classic long dress”. Luma na ang larawan at maging ang style ng damit ay kapansin-pansin na matagal na rin ngunit ang angking ganda ni Ina ay makikita talaga sa larawang ito.

Simple at natural ang kaniyang ganda kung kaya naman talagang marami ang humahanga sa kaniya. Mayroon din siyang ibinahaging larawan noong siya ay 16 na taon pa lamang. Kulot ang kaniyang buhok at nakasuot ng isang spaghetti strap na damit.

Napakasimple pa rin niya at mayroong napakagandang ngiti. Larawan ito ng isang simple at napakagandang Pinay.

Ang ikatlong larawan naman na kinagigiliwan ngayong ng kaniyang mga tagahanga ay noong siya ay 18 taong gulang na at nagsisimula na siyang magmodelo kung saan din siya nadiskubre noon at hinangaan ng husto. Tunay nga na kahit ano pa ang iyong edad at kahit ilan pa ang iyong anak, nasa sa iyo talaga kung patuloy mong aalagaan ang iyong kalusugan at lalong-lalo na ang iyong pangangatawan.

Tulad na lamang nang ginawang pag-aalaga ni Ina Raymundo sa kaniyang sarili.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media