Connect with us

Showbiz

Huling vlog ni LJ Reyes Reyes kasama ang kaniyang anak na si Summer muling binalikan ng mga netizens!

Published

on

Si Lourna Jane Pujeda Reyes o mas hinangaan natin bilang si LJ Reyes ay 33 taong gulang na aktres. Siya ay produkto ng ikalawang season ng reality TV show sa GMA network na Starstruck.

Dahil sa angkin niyang kagandahan at kahusayan sa napiling larangan ay hindi na nakapagtatakang mapagkatiwalaan siya ng maraming mga proyekto. Sa ngayon ay tiyak na hindi pa rin humuhupa ang kontrobersiya tungkol sa hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis.

Si LJ ay mayroong anak sa dating nobyo niyang si Paulo Avelino, si Aki habang si Summer naman ay anak nila ni Paolo Contis. Ikinagulat nang husto ng publiko ang naging pagbabahagi ng aktres ng kaniyang karanasan sa naging panayam sa kaniya ng beteranong host na si Boy Abunda.

Hindi niya napigilang maging emosyonal nang isalaysay niya ang mga pagtitiis at pagsasakripisyo na kaniyang ginawa para sa kaniyang mga anak. At dahil nga sa mga masasakit na pangyayaring ito ay nagdesisyon na siyang lumayo at magtungo muna sa poder ng kaniyang ina sa Amerika.

Kasama niya ang dalawa niyang mga anak sa ibang bansa. Samantala, hindi naman maiwasan ng publiko na panuorin ang mga naging videos at posts niya noon sa kaniyang mga social media account tulad na lamang ng isa niyang vlog kung saan tampok ang naging bonding nilang mag-ina.

Gumawa sila ng clay gamit lamang ang mga bagay na makikita sa kanilang kusina. Isa itong child-friendly activity lalo na ngayong pandemic.

Sobrang nag-enjoy naman si Summer sa paggawa nila ang clay ng kaniyang Mommy LJ. Bagamat wala pang ideya ngayon si Summer sa mga nangyayari sa kaniyang paligid, nariyan naman ang kaniyang ina na hinding-hindi siya pababayaan at si Aki kahit pa gaano kasakit at kahirap ang mga pagsubok na pinagdaraanan nila ngayon sa buhay.

Isang larawan ng matatag at mapagmahal na ina ang aktres at nagsilbi siyang inspirasyon sa mas marami pang kababaihan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media