Connect with us

Showbiz

Huling vlog ni LJ Reyes kasama ang anak na si Summer at dating partner na si Paolo Contis, binalikan ng mga netizens!

Published

on

Nitong mga nagdaang taon ay talagang naging laganap ang pagkakaroon ng YouTube channel ng mga sikat na artista at personalidad. Sa mga channel na ito ay ibinabahagi nila ang mga travel, hobbies, at happy moments nila kasama ang kanilang pamilya.

Sa panahon ng pandemyang nararanasan natin ngayon ay isa rin ito sa mga pinagkakaabalahan ng marami sa atin. Pampalipas oras din kasi ito at talagang nagdudulot din ng kaligayahan at inspirasyon sa publiko.

Kamakailan lamang ay binalikan ng maraming netizens ang naging huling vlog ni LJ Reyes. Ang vlog na ito ay pasilip sa naging kauna-unahang TV commercial ng anak nilang si Summer.

Marami ang bumilib sa dalawa dahil talagang hands-on sila sa milestone na ito ng kanilang anak. Si Paolo Contis mismo ang gumanap bilang assistant director, props man, hairstylist, at stage dad para kay Summer habang si LJ naman ang makeup artist, coordinator, at stage mom.

Talaga namang punong-puno ng ngiti at masayang alaala ang vlog nilang ito. Ngunit kamakailan lamang ay bigla na lamang naging laman ng balita ang hiwalayan nilang dalawa.

Ayon sa ilang mga artikulo, ito ay dahil daw sa “third party” at “mutual decision” ng dalawa na pinabulaanan naman kaagad ng aktres sa naging panayam sa kaniya ng batikang host na si Boy Abunda. Nakakalungkot ang naging karanasan na ito ni LJ kasama ang kaniyang mga anak ngunit nagpakita lamang ito kung gaano siya katatag bilang isang babae at bilang isang ina sa kaniyang mga anak.

Sa ngayon ay nasa New York City siya kasama ang kaniyang pamilya. Ito ang naging desisyon niya upang mailayo ang kaniyang mga anak sa mahirap na sitwasyong ito na pinagdaraanan nila sa ngayon.

Marami din naman ang nagpaabot ng suporta para sa aktres at sa kaniyang dalawang anak. Sabi nga ng ilang mga netizens, hindi biro ang ganitong karanasan kung kaya naman dapat ay mas maging maingat tayong lahat pagdating sa relasyon dahil hindi lamang panahon at klima ang nagbabago maging ang mga tao din.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media