Connect with us

Showbiz

Heart Evangelista, inamin na napipikon ang mister niyang si Chiz Escudero noon dahil sa kaniyang pagsa-shopping!

Published

on

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas nakilala natin bilang si Heart Evangelista ay 36 na taong gulang na aktres, TV host, singer, visual media artist, philanthropist, at socialite. Siya ang kasalukuyang first lady ng probinsiya ng Sorsogon.

Marami nang nagawang pelikula si Heart at talaga namang lahat ng mga proyekto niyang ito ay naging matagumpay. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang marami siyang naiipon na pera.

Galing din naman siya sa isang mayamang pamilya kung kaya naman hindi talaga problema ang pera para sa kaniya. Ngunit nang napangasawa niya ang pulitiko at abogado na si Francis Joseph “Chiz” Guevarra Escudero o mas nakilala natin bilang si Chiz Escudero ay isa sa naging problema nila ang pagsa-shopping ng aktres.

“For her to learn yung discipline and maturity and respect to the money that she earns and spends,” Pahayag ni Chiz sa naging sit-down interview sa kanila ni Karen Davila.

Sumang-ayon din naman dito si Heart at sinabing ngayon ay naiitindihan na niya ang mister. Nang mga panahon daw na iyon ay talagang nagtatampo pa ang aktres dahil noon pa man ay kaligayahan na niya talaga ang pagsa-shopping.

Maging ang kaniyang mga magulang ay mahilig din mag-shopping kung kaya naman maliit na bagay na lamang ito sa kaniya. Ito rin daw ang kaniyang love language kung kaya naman mas nasisiyahan talaga siyang gawin ito.

Natatawa din daw siya sa tuwing naalala ito dahil magkaibang-magkaiba daw talaga silang mag-asawa dahil sa napipikon daw talaga si Chiz sa tuwing siya ay namimili.
“Before, not anymore. Napipikon siya sakin like, ‘Ilang bibig na napakain mo diyan?’ gaganunin niya ako eh sapatos lang yun. Syempre I’d hide everything, right?” Pahayag naman ni Heart.

“Pero siya, I don’t get the reaction that I want, so it pisses me off, diba? Parang naiinis ako, parang, ‘Bakit ganun? Hindi ba siya nagce-care?’ so it’s really in the beginning, dun kami nagbabanggaan.” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media