Connect with us

Showbiz

Gretchen Barretto, ibinahagi sa publiko ang pagiging proud at certified sabongera nito!

Published

on

Si Gretchen Castelo Barretto o mas hinangaan natin bilang si Gretchen Barretto ay 51 taong gulang na aktres na hinangaan natin hindi lamang dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan kundi maging sa kaniyang pambihirang talent sa pag-arte. Marami nang ipinagkatiwala sa kaniyang mga pelikula kung kaya naman napatunayan na niyang talagang isa siya sa pinakamahusay na aktres ng kaniyang henerasyon.

Maaalalang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Antonio Cojuangco ngunit naging matatag at matibay ang kanilang relasyon na nagsimula mula pa noong 1994 hanggang sa kasalukuyan. Mayroon din silang isang anak si Dominique Cojuangco na 26 na taong gulang na sa ngayon.

Tulad ng kaniyang ina ay marami ding humahanga sa kaniya dahil sa angking kagandahan nito at dahil na rin sa pagiging isang “style creator” at modelo niya. Sa ngayon ay hindi na madalas makita si Gretchen sa telebisyon o maging sa mga pelikula dahil sa marami ngayon siyang pinagkakaabalahan.

Isa na rito ang pagsasabong. Marami ang nagulat nang malaman na nagsasabong din pala ang aktres. Para kasi sa maraming mga Pilipino, walang magandang maaidudulot ang pagsusugal lalo na ang pagsasabong. Sa gitna ng pandemya ay naging posible pa rin ito dahil sa tinatawag na “online sabong”.


Marami ang hindi nakakaalam na miyembro ng “Team Alpha ng Pitmaster Group” si Gretchen kung kaya naman nagulat talaga ang marami nang makita ang ilang mga larawan at videos nito kasama ang kaniyang kaibigan na si Atong Ang na nagsasabong. Mayroon din siyang video kung saan siya naghahanda para sa nalalapit nilang pagbibitaw ng manok sa cockpit arena.

Mula sa isang kilalang pamilya ang aktres, kapatid niya sina Claudine at Marjorie Barretto kung kaya naman ikinagulat talaga ng publiko ang bagong hobby niyang ito. Marami ang nagsasabi na hindi ito magandang halimbawa lalo na sa mga taong humahanga sa kaniya.

Samantala, marami din naman ang nagsasabi na wala namang masama sa kaniyang ginagawa lalo na at mayroon naman siyang kakayahan at masaya naman siya sa kaniyang ginagawa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media