Connect with us

Showbiz

Cristy Fermin, sinabing unfair daw na tawaging “babaero” si Paolo Contis dahil wala naman siyang alam na pinagsabay nito!

Published

on

Kontrobersiyal sa ngayon ang hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis. Setyembre 2021 nang magsalita si LJ sa naging panayam sa kaniya ni Boy Abunda sa naging hiwalayan nila ng dating partner.

Anim na taon din ang naging relasyon nila at mayroon silang isang anak ngayon, ang 2 taong gulang na si Summer. Hindi napigilan ni LJ na maging emosyonal nang isalaysay niya ang naging karanasan sa naturang interview.

Sa kabilang banda, nagpaliwanag na si Paolo sa pamamagitan ng kaniyang post sa kaniyang social media account kung saan nilinaw niyang hindi third party, ipinagbabawal na gamot o si Yen Santos ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Umani ito ng maraming negatibong komento at reaksyon mula sa publiko.


Habang ang manager naman ni Paolo na si Cristy Fermin ay tila ipinagtanggol ang aktor sa kaniyang naging pahayag dahil sinabi nitong hindi naman tama na bansagang “babaero” ang aktor dahil sa wala daw siyang nalaman na mga babaeng pinagsabay nito. Kung magkakaroon man siya ng bagong karelasyon ay tatapusin o hihiwalayan daw muna nito ang kaniyang naunang karelasyon.

“Mula kay Nancy Castiglione at sa mga sumunod pa…wala kasi akong alam na pinagsabay n’ya. Kaya hindi naman po nararapat sigurong sabihin na ‘[ang] hilig-hilig [ni Paolo] sa babae. Napaka-playboy,” Komento ni Cristy.

Sa ngayon, nasa poder ng kaniyang pamilya sa Estados Unidos si LJ kasama ang kaniyang mga anak na si Aki at si Summer. Malungkot man ngunit kinakaya niyang mag-isa sa ngayon at nananatili siyang matatag para sa kaniyang mga anak.

Nakikisimpatya ang publiko kay LJ habang marami naman ngayon ang nangba-bash kina Paolo Contis at Yen Santos. Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng hiwalayang Paolo at LJ?

Ano kaya ang mararamdaman ng anak nilang si Summer lalo na at malapit din ito sa kaniyang ama? Dalangin ng marami na maging maayos na ang isyu na ito sa pagitan nina Paolo at LJ.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media