Connect with us

Showbiz

Buboy Villar, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kaniyang mga anak sa dating partner na si Anggillyn Gorens

Published

on

Si Robert Villar Jr. o mas nakilala natin bilang si Buboy Villar ay isang aktor, komedyante at singer. Sa ngayon ay mayroon na siyang dalawang anak sa dati niyang partner na si Angillyn Gorens.

Sila ay nabiyayaan ng dalawang mga anak, sina Vlanz Karollyn at George Michael. Marami talaga ang humanga sa kanila noon dahil kahit pa nga naging maaga ang pagbuo nila ng pamilya dahil sa edad na 17 taong gulang ay naging ama na si Buboy, nagawa pa rin nilang maging mabuting magulang at mabuting kapareha para sa isa’t-isa.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay ginulat na lamang nila ang marami nang kumpirmahin nila ang kanilang paghihiwalay. Pareho daw nila itong napagdesisyunan kung kaya naman sa ngayon ay nananatili pa rin silang magkaibigan para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

Dahil sa pandemyang patuloy nating nararanasan ngayon ay labis na naapektuhan din ang trabaho ni Buboy bilang isang artista kung kaya naman talagang nagsusumikap siyang magtrabaho para sa kaniyang mga anak. Sa ngayon ay laking pasasalamat niya dahil mayroon na siyang mga proyekto kung kaya naman ang pangangalaga ng kaniyang mga anak ay sa poder muna ng kaniyang mga biyenan.


Sa naging simpleng pagdiriwang nila ng kaarawan ng kaniyang mga anak ay binilan niya sila ng themed cake. Mermaid themed cake para sa kaniyang panganay at isang sports themed cake naman para sa kaniyang bunso.

Hindi rin naman mawawala ang presensiya ng kanilang ina na si Angillyn na kaagad vinideo call ni Buboy. Mahalaga din para sa aktor na makita ng kaniyang mga anak ang kanilang ina lalo na sa espesyal na araw na ito.

Kitang-kita din naman ang labis na kaligayahan sa mga mata ng bata dahil sa gitna ng pandemya ay nakapagdiwang din sila ng kanilang kaarawan kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media