Connect with us

Showbiz

Barbie Forteza, hinangaan ng publiko matapos pumila ng alas-kwatro ng umaga para magparehistro bilang isang botante!

Published

on

Mahalaga ang karapatan nating bumoto dito sa Pilipinas. Dahil tayo ay nasa demokratikong bansa, karapatan at kalayaan natin talaga ang pagboto sa mga eleksyon.

Napakahalaga nito dahil ito ay ang pagpili sa mga tao o pulitiko na karapat-dapat magsilbi sa bayan. Ngunit bago pa man tayo makapamili ng mga iboboto ay dapat muna tayong magparehistro bilang isang ganap na botante.

Nakakamangha dahil maraming mga Pilipino talaga ang gustong makiisa sa gaganapin na eleksyon sa susunod na taon. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang magbahagi ng ilang mga larawan ang aktres na si Barbie Forteza nang kaniyang naging pagpaparehistro.

Kung inaakala natin na kapag artista ay mayroong espesyal na pagtrato, mas minabuti ni Barbie na gawin din ang mga ginagawa ng kapwa natin Pilipino bago pa man sila magparehistro. Makikita sa kaniyang post ang isang larawan kung saan siya ay nakaupo sa bangketa at tahimik na naghihintay.

Isang larawan pa ang ibinahagi ng Kapuso Primetime Princess kung saan naman siya makikitang naka-thumbs up. Ang kaniyang huling larawan ay kuha naman habang siya ay nagtatapos na ng kaniyang mga dokumento o papeles.


Humanga ng husto ang maraming mga netizens sa kaniya dahil sa halip na gumawa ng ibang bagay ay talagang binigyan niya ng prayoridad ang pagpaparehistro. Pinatunayan lamang ni Barbie na hindi naman kailangan na sikat ka, maganda ka o mayroon kang impluwensiya para lamang mauna sa kahit anong bagay.

Minsan din daw ay masarap ding makasalamuna ang ibang tao. Ngunit dahil na rin sa pandemyang nararanasan natin hanggang sa ngayon ay maraming mga tao ang labis na apektado.

Sana ay mas maraming mga Pilipino ang makakita ng inspirasyon kay Barbie na hindi naman talaga pera o mamahaling gamit ang basehan ng pagkatao. Mahalaga din na hindi siya nagasisinungaling at talagang marami siyang ebidensiya laban sa artikulong ito.

Bukas ang maraming mga tanggapan ang gobyerno ay tiyak na magpaparehistro na at magpapabakuna na rin ang marami sa atin.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media