Connect with us

Showbiz

Angeline Quinto. Ibinahagi ang masayang bakasyon nila ng kaniyang mga kaibigan sa Baguio City bago pa man tuluyang sumailalim sa ECQ sa ilang lugar sa Pilipinas!

Published

on

Isa na marahil sa pinaka-namimiss natin ngayong panahon ng pandemya ay ang pamamasyal sa magagandang mga lugar. Kilala ang Pilipinas sa mga magandang tanawin at destinasyon. Palawan, Siargao, Boracay, Vigan, Bohol, at napakarami pang ibang lugar sa bansa ang talagang binabalik-balikan ng mga lokal at dayuhang turista.

Photo credit: Love Angeline Quinto Youtube

Maging ang mga idolo nating artista ay hindi rin naman nagpapahuli pagdating sa pagpunta sa magagandang mga lugar na ito. Halimbawa na lamang ang sikat na singer at aktres na si Angeline Quinto.

Namasyal sila kamakailan lamang sa Baguio City kasama niya ang kaniyang mga kaibigan. Sinamantala na nila ang pagkakataon habang hindi pa ipinapatupad ang mahigpit na ECQ dahil na rin sa labis na pagtaas ng mga kaso ng COVID sa ating bansa.

Photo credit: Love Angeline Quinto Youtube

Sa naging bakasyon nga niyang ito ay talaga namang nakapahinga siya ng husto. Nakakarelaks at madalas na nalilimutan natin ang mabibigat nating problema sa tuwing nagtutungo tayo sa mga ganitong klase ng lugar.

Photo credit: Love Angeline Quinto Youtube

At siyempre, hindi rin nakalimutan ni Angeline na alagaan ang kaniyang kalusugan kung kaya naman kahit nasa bakasyon ay sinusubukan pa rin niyang mag-ehersisyo. Nag-jogging siya sa napakagandang tanawin ng bagyo at bigla siyang may nakitang isang heli pad at dito nga ay mayroon siyang naisipang gawin.

Ginaya niya ang madalas na ginagawa sa social media o sa mga pelikula na sumisigaw ang bida sa isang mataas na lugar. Dito ay ibinubuhos nila ang kanilang mga saloobin at nararamdaman.

Photo credit: Love Angeline Quinto Youtube

Maraming mga netizens ang natuwa kay Angeline nang banggitin niya ang kaniyang mga naging ex kung saan ibinigay daw niya ang lahat lahat ngunit iniwan at sinaktan pa rin siya. Nagbiro pa ang singer na pagbilang daw niya ng tatlo ay makakalimutan na niya ang kaniyang mga naging ex ngunit hindi na umabot pa sa tatlo ang kaniyang pagbibilang.

Nais niya din daw na magpakasal sa Baguio City pagdating ng araw.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media