Connect with us

Showbiz

Alfred Vargas at misis nitong si Yasmine, masayang ipinagdiwang ang 11th wedding anniversary nilang mag-asawa!

Published

on

Sa dami ng mga kontrobersiyang lumalabas ngayon online at sa mahirap na sitwasyong nararanasan pa rin natin dahil sa pandemya, marami pa ring mga Pilipino ang nananatiling positibo ang pananaw sa buhay. Tunay nga naman kasing hindi na mawawala ang mga ganitong klase ng hamon at pagsubok sa buhay.

Photo credit: Alfred Vargas instagram

Nasa sa atin na lamang ito kung hahayaan nating maapektuhan ang ating pamumuhay. Marahil ito rin ang ilan sa mga naging inspirasyon ngayon ng pamilya ng aktor at pulitiko na si Alfred Vargas, dahil sa kabila ang hindi magagandang pangyayari ngayon sa ating kapaligiran at sa buong mundo ay makikita pa ring masaya at kuntento ang kaniyang buong pamilya.

Photo credit: Alfred Vargas instagram

Sa katunayan nga ay nagdiwang kamakailan lamang ang mag-asawa ng ika-11 taong kasal nila. Marami naman ang kinilig dahil kahit na simpleng post lamang ang ginawa nila at nilagyan lamang nila ito simpleng caption ay makikita naman sa kanilang sambahayan ang tunay na pagmamahalan.

Photo credit: Alfred Vargas instagram

Sina Alfred at ang napakaganda niyang misis na si Yasmine ay nabiyayaan ng tatlong mga anak. Sina Alexandra, Alyana, at Cristiano.

Sa ngayon ay abala ang aktor sa kaniyang panunungkulan bilang kinatawan ng ikalimang Distrito ng Quezon City ngunit palagi pa rin siyang naglalaan ng oras para sa kaniyang pamilya – sa kaniyang asawa at sa kaniyang mga anak. Sa kabilang banda, hindi rin naman pinababayaan ni Yasmine ang kaniyang sarili kahit pa nga mayroon na silang tatlong mga anak ay sinisigurado niyang malusog at malakas din ang kaniyang pangangatawan.

Photo credit: Alfred Vargas instagram

Nagsisilbi rin siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan na alagaan ang kanilang sarili habang maaga pa upang mas maalagaan din nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Lalong-lalo na sa ngayon na mayroon pa rin tayong nararanasan na pandemya sa buong mundo.

Kuntento din ang mag-asawa sa buhay nila ngayon at hindi rin nila nakakalimutang magpasalamat sa isa’t-isa dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nila sa kanilang buong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media