Connect with us

Showbiz

Yayamanin at sosyal na halo-halo ni Heart Evangelista, pinagkaguluhan ng maraming mga netizens!

Published

on

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas nakilala natin bilang ang aktres, TV host, singer, visual media artist, philanthropist, at socialite na si Heart Evangelista ay isa sa pinakamagandang aktres ng kaniyang henerasyon. Marami ang humahanga sa kaniya sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Sa kaniyang edad ngayon ay talagang napapanatili pa rin niya ang mabuti niyang kalusugan at ang mala-porselana niyang balat. Hindi na nakapagtatakang marami ang mas humahanga pa sa kaniya sa paglipas ng maraming taon.

Maaalalang taong 2015 nang ikasal siya sa pulitiko na si Francis Joseph “Chiz” Guevarra Escudero na ngayon ay kasalukuyang naglilingkod bilang Gobernador ng Sorsogon. Ayon sa ilang mga ulat, ang aktres ay mayroon nang net worth na halos US$4 million mula pa nitong Pebrero 2021.

Kung kaya naman palagi nating siyang nakikita na mayroong mga branded na bag, damit, accessories, sapatos, at kahit mga simpleng gamit sa bahay. Maging ang mga alaga niyang aso ay hindi rin nagpapahuli sa pagiging pasyonista.

Kamakailan lamang ay naging maugong na naman ang pangalan ng aktres matapos niyang mag-post ng larawan ng isang halo-halo na isang kilalang panghimagas at meryenda sa bansa. Ngunit hindi katulad ng ating nakagisnang halo-halo na talagang pinaghalo-halo lang ang masasarap na sangkap, mayroong “edible gold” ang halo-halo ni Heart!

Ang larawan na ito ay mula pa sa Los Angeles, California kung nasaan ang aktres ng mga panahong iyon. Hindi magkamayaw ang kaniyang mga tagahanga nang makita ang post na ito ng aktres.

Maraming mga netizens ang labis na nagulat at namangha na maaari din palang lagyan ng ginto ang pagkain na ito. Hindi na rin daw sila magtataka na sobrang mahal ng presyo ng halo-halo na ito ng aktres.

Mayroon din namang iilan na nagtanong kung ano nga kaya ang lasa nito kumpara sa nakasanayan na nating halo-halo dito? Ikaw, nanaisin mo din bang matikman ang yayamin at sosyal na halo-halo ni Heart Evangelista?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media