Connect with us

Showbiz

Yassi Pressman ipinasilip sa publiko ang napakagandang bahay-bakasyunan na naipundar niya sa Canada!

Published

on

Si Yasmin Isabel Yasto-Pressman o mas nakilala natin bilang si Yassi Pressman ay 26 na taong gulang na aktres, modelo, singer, dancer at TV personality. Noon pa man ay talagang marami na humahanga sa kaniya sa pagkakaroon niya ng pambihirang talento sa pagsasayaw.

Photo credit: yassipressman instagram

Ngunit mas hinangaan siya ng publiko ng gumanap siya bilang si Alyana Arevalo sa “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Dito niya ipinamalas ang nakakamangha niyang pagganap bilang katambal ni Cardo Dalisay.

Dahil nga sa mahigit limang taon din siyang naging bahagi ng programang ito ay tiyak na marami din siyang naipon dahil sa kaniyang pagsusumikap sa trabaho. Hindi na bago sa kaalaman ng publiko ang ipinapagawa niyang dream house.

Photo credit: yassipressman instagram

Maliban pala sa ipinapagawa niyang bahay ay nag-invest din siya sa isang bahay-bakasyunan sa Canada. Ito ay ang Lake Scugog na matatagpuan sa Ontario.

Talaga namang napakaganda at napakaaliwalas ng lugar. Maraming mga tao sa ngayon ang tiyak na gugustuhing magpunta sa lakefront property na ito ng aktres.
Punong-puno ng magagandang muwebles ang loob ng bahay habang “breathtaking” naman talaga ang mga labas ng kaniyang bahay-bakasyunan. Maaari ditong magkape, kumain, o mag-bonding kasama ang buong pamilya.

Photo credit: yassipressman instagram

Hinihikayat din naman ng aktres ang publiko na magtungo sa kaniyang bagong vacation house. Talaga namang unti-unti na niyang natutupad ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Photo credit: yassipressman instagram

Napakagandang inspirasyon para sa marami sa atin dahil sa kabila ng karangyaan at kasikatan na kaniyang tinatamasa ay hindi niya kinakalimutang mag-impok para sa kaniyang kinabukasan. Kung lahat tayo ay tutulad kay Yassi, tiyak na mas marami sa atin ang magtatagumpay sa buhay.

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay, sasakyan, at negosyo, ngunit hindi natin ito maisasakatuparan kung hindi tayo susugal at hindi natin paghuhusayan pa ang ating pagtatrabaho. Hindi tayo dapat labis na magpaapekto sa mga hamon at pagsubok sa buhay kundi mas dapat tayong magpakatatag at mas magpursige pa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media