Connect with us

Viral

Single mom na iniwanan ng kaniyang nobyo noon dahil sa kaniyang hitsura, mayroon na ngayong napakagandang transpormasyon na hindi lubos akalain ng kaniyang dating nobyo!

Published

on

Napakarami na nating naririnig at nababalitaan na balita tungkol sa mga taong hinuhusgahan dahil lamang sa kanilang panlabas na hitsura. Marami sa kanila ngayon ang nakakatanggap ng masasakit na mga salita mula sa mga tao sa kanilang paligid dahil lamang sa kanilang mukha o di kaya naman ay sa kulay ng kanilang balat.

Nakakalungkot mang isipin ngunit ganoon na lamang ang nagiging sukatin ng marami sa atin ngayon at marahil ay mahihirapan na tayong baguhin ang ganitong klase ng pananaw. Kamakailan lamang ay napukaw ng babaeng ito ang atensyon ng publiko dahil sa naging napakaganda niyang transpormasyon.

Isang single mom mula sa In Ho Chi Minh, Vietnam ang pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa naging karanasan niyang ito. Siya ay nakilala bilang si Huyen, 28 taong gulang. Mayroon silang anak ng dati niyang nobyo ngunit iniwanan sila nito.

Nagdesisyon ang dati niyang nobyo na sundin ang pamilya nito na hadlang sa kanilang pagpapakasal dahil sa kaniyang hitsura. Nasaktan siya ng labis dahil sa ginawang pag-iwan ng kaniyang dating nobyo sa kanilang mag-ina.


Mula noon ay sinubukan na niyang magtrabaho at iwanan na muna ang anak sa kaniyang mga magulang. Nakahanap din naman siya ng trabaho at kalaunan ay nakaipon na rin siya kahit papaano.

Dahil sa naging karanasan niya noon at pang-iiwan na ginawa ng dating kasintahan ay nagdesisyon siyang ayusin ang kaniyang sarili. Mayroon siyang mga pinagawa sa kaniyang katawan at sinubukan din niyang magpaputi at alagaan pa ng husto ang kaniyang katawan.

Sa ngayon ay talagang naging napakaganda at napakaepektibo na ng kaniyang ginawa. Malayong-malayo na ang hitsura niya kaysa dati. Maging ang dati niyang kasintahan na minsan nang nag-abandona sa kaniya at sa kaniyang anak ay nais ding bumalik sa kaniyang buhay.

Ngunit hindi na pumayag pa si Huyen. Para sa kaniya, nais niyang magpokus na lamang sa kaniyang anak at sa kaniyang trabaho para sa kanilang kinabukasan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media