Connect with us

Viral

Raffy Tulfo, ipinasilip sa publiko ang koleksyon niya ng mga mamahaling sapatos, kurbata, at mga damit!

Published

on

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang sumubaybay sa mga kilalang personalidad lalo na ngayon na patuloy pa rin ang paglaganap ng pandemya sa bansa at mas marami tayong panahon upang magbasa at manuod online. Isa na marahil sa pinakasikat na social media personality sa ngayon ay ang batikang host na si Raffy Tulfo.

Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram

Kilalang-kilala din ang programa niyang “Wanted sa Radyo”. Maraming dumudulog sa Raffy Tulfo in Action upang manghingi ng tulong lalo na ang mga taong pinagmalupitan at inagrabyado ng iba.

Sa likod ng matagumpay na programang ito ay walang iba kundi ang kanilang host na si Rafael Teshiba Tulfo o mas nakilala natin bilang si Raffy Tulfo. Siya ay 61 taong gulang na broadcast journalist, columnist, radio presenter at television personality.

Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram

Iginagalang din ang kaniyang mga kapatid na sina Erwin, Ben at Ramon Tulfo sa industriyang ito. Minsan na niyang ibinahagi sa publiko na mulat talaga siya at ang kaniyang mga kapatid sa hirap ang buhay.

Hindi rin niya malilimutan ang mga sandali at mga karanasan niya noong siya ay bata pa kung saan lahat ng pinagliitan ng kaniyang mg a kuya ay siya ang nagmamana at nagsusuot. Kung kaya naman nang magkaroon siya ng trabaho at nakaluwag-luwag sa buhay ay talagang hindi na siya nagdalawang-isip na bilhin lahat ng mga bagay na hindi siya nagkaroon noon.

Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram

Tulad na lamang halimbawa ng mga damit, sapatos at iba pang mga gamit. Kamakailan lamang ay binisita siya ni Karen Davila kung saan ipinasilip niyang muli ang kaniyang mga mamahaling koleksyon ng sapatos.

Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram

Aakalain mong isang department store ang isang kwarto sa kaniyang bahay na punong-puno ng mga mamahaling sapatos. Karamihan sa kaniyang mga sapatos ay mayroong tatak na Balenciaga, Louis Vuitton, Dolce and Gabbana, Gucci, Burberry, at Christian Louboutin.

Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram

Marami din siyang mga mamahaling kurbata tulad ng Hermes, Versace, Gucci, at Louis Vuitton. Ang mga koleksyon niya ito ay mula sa kaniyang pagpapagal sa trabaho at karamihan din sa mga ito ay maaaring mabili sa “Idol Shopping Network” kung saan ang kikitain ay mapupunta sa kawang-gawa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media