Connect with us

Showbiz

“Pretend play” nina Vic Sotto at Baby Tali habang nagsu-swimming kinagigiliawan ngayon ng publiko!

Published

on

Ilang taon at ilang buwan na rin ang tagal ng pandemyang nararanasan natin sa buong mundo. Kung maraming mga tao, mga negosyo at mga manggagawa na apektado ay talagang apektado din naman ang mga kabataan na hanggang ngayon ay bawal pa ring lumabas.

Hindi tulad sa ibang mga dayuhanag bansa, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na hindi pinahihintulutang lumabas ang mga bata, matanda, buntis, at mga taong mayroong kapansanan. Nakakalungkot mang isipin ngunit maraming mga bata ngayon ang talagang nasa loob na lamang kanilang bahay sa matagal na panahon.

Maliban sa paggamit ng mga gadget at paglalaro sa loob ng bahay ay malaking tulong din ang pagkakaroon ng komunikasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak. Tulad na lamang halimbawa ng video na ito ng mag-amang Vic Sotto at Baby Tali.

Maraming mga netizens ang natuwa dahil sa video na ito ng mag-ama dahil sa kanilang “pretend play”. Isa itong paraan ng paglalaro ng mga bata kung saan magpapanggap sila at ang kanilang kalaro depende sa isang sitwasyon o pangyayari na nais nilang gawin.

Sa video na ito ng mag-ama ay si Tali ang doktor habang ang kaniyang ama naman ang pasyente. Nagpanggap ang batikang host na masakit ang kaniyang binti habang ang doktor na si Tali naman ay todo alaga sa kaniya.

Napaka-cute ng naging pag-uusap ng mag-ama at talaga namang mararamdaman ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa. Nagagalak din naman si Pauleen Luna sa bonding na ito ng kaniyang mag-ama na siya mismo ang kumuha ng video.

Nilagyan niya din ito ng caption na: “”My heart is filled with little moments like this.” Hindi pa dito natatapos ang paglalaro ng mag-ama dahil nang magamot ni Tali ang kaniyang pasyente ay siya naman ang naging pasyente.

Agad naman siyang ginamot ng kaniyang ama, nilagyan ng bandagea, pinainom ng gamot at saka sinabing maaari na siyang umuwi. Ginawa nila ang larong ito sa gitna ng kanilang swimming bonding.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media