Connect with us

Showbiz

Panganay na anak nina Doug at Cheska Kramer na si Kendra, nagdiwang na ng kaniyang ika-12 taong kaarawan!

Published

on

Napakasarap sa pakiramdam ng mga magulang ang makitang masaya ang kanilang mga anak. Mabilis ang panahon kung kaya naman hindi maiiwasan na sa paglipas ng ilang mga taon ay hindi na natin namamalayang dalaga at binata na pala ang ating mga anak.

Photo credit: Doug Kramer instagram

Maaaring nasanay tayo na noon ay tayo palagi ang tinatawag nila at hinihingaan ng tulong sa mga bagay na hirap silang gawin. Ngunit sa oras na sila ay maging dalaginding o binatilyo na ay talagang sisikapin na nilang gawin ang ilang mga bagay sa sarili nilang pamamaraan.

Photo credit: Doug Kramer instagram

Sa kabila nito, marami pa ring mga magulang ang nagnanais na gabayan at suportahan ang kanilang mga anak sa yugtong ito ng kanilang buhay. Kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-12 taong kaarawan ang panganay na anak nina Doug at Cheska Kramer na si Kendra.

Photo credit: Doug Kramer instagram

Ang pamilya nila ay nakilala bilang Team Kramer ng Pilipinas. Ang sweet at good-looking couple na sina Doug at Cheska ay biniyayaan ng tatlong mga anak.

Sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle, at Gavin Phoenix. At nito lamang Hunyo 25, 2021 ay nagdiwang ang ika-12 taong kaarawan ang kanilang panganay. Marami ang bumati sa kaniya at hindi rin ito pinalampas nina Doug at Cheska upang batiin ang kanilang anak.

Photo credit: Doug Kramer instagram

Masayang masaya sila dahil sa kaarawan na ito ng kanilang anak. Nakikita nila kung gaano ka-responsable at kadisiplinado ang kanilang mga anak. At si Kendra nga ang siyang nagiging magandang ehemplo din sa kaniyang dalawang mga kapatid.

Maliban sa pagiging mabuting anak niya ay mayroon din itong matatag na pananampalataya sa Diyos na siya din namang ipinagpapasalamat ng mag-asawa. Tunay ngang walang makapapantay sa isang buo at masayang pamilya kung saan nakasentro ang Diyos.

Photo credit: Doug Kramer instagram

Bata pa lamang ay talagang tinuturuan na ng mag-asawa ang kanilang mga anak ng mabuting asal at ng mga mabubuting aral mula sa Bibliya. Naging napakagandang inspirasyon nila para sa maraming pamilyang Pilipino.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media