Connect with us

Viral

Netizens, umalma nang sabihin ni Cristine Fermin na dapat maging sensitibo si Jinkee Pacquiao sa mga ibinabahagi nitong mga larawan online dahil sa marami pa rin ang nagugutom sa ngayon!

Published

on

Narinig na ba ninyo sa ilang mga balita o maging sa mga banyagang kaibigan ninyo na ang Pilipinas ay isang mayamang bansa? Marahil ay marami ang magtataka kung totoo ba ito o gawa gawa lamang ngunit para sa maraming mga Pilipino ay totoo ito.

Mayaman tayo sa mga likas na yaman, mga hayop, tradisyon at kultura na dito lamang makikita sa bansa. Ngunit sa kanila ng mga kayamanan na ito ay hindi pa rin maipagkakaila na talamak pa rin ang kahirapan, korapsyon, at krimen sa bansa.

Kamakailan lamang ay marami tayong nababalitaang pambabatikos sa mga kilalang personalidad tulad na lamang halimbawa ni Heart Evangelista at Jinkee Pacquaio na diumano ay palaging nagbabahagi ng mga mamahaling gamit nila sa social media. At ang pinakamainit na usapin ngayon ay ang naging komento ni Cristy Fermin patungkol sa asawa ng legendary boxer na si Manny Pacquiao.

“Kung mayroon siyang pakialam, dapat hindi niya inilalantad ang kaniyang kayamanan sa pamamagitan ng kaniyang mga kagamitan. At, wala pong kahihiyan si Jinkee Pacquiao… Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara ng lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo lahat ng nabili mo… Wala ka sa timing, hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon.” – Cristy Fermin.

Napakaming mga netizens din ang nagpahayag ng kaniyang sariling opinyon patungkol sa isyung ito. Hindi ito ang unang beses na binatikos ang may bahay ni Senador Manny, maging ang buong pamilya nito.

Ngunit mas marami pa rin ang sumusuporta ang nagmamahal sa kanila dahil sa dami ng kanilang naitulong sa kapwa nila Pilipino sa pagdaan ng maraming taon mula nang maging matagumpay ang senador. Samantala, maraming mga netizens din naman ang galit na galit sa mga taong katulad ni Cristy na hindi nagiging maingat sa mga salitang ibinabato sa kaniyang kapwa.

Maaaring labis niyang nasaktan si Jinkee at ang pamilya nito sa mga panget na salitang binitawan niya ngunit tila hindi niya ito pinagsisisihan.

Source: News5


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media