Connect with us

Showbiz

Miles Ocampo, nais din maging “big star” tulad ng kaniyang mga kaibigan na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes!

Published

on

Si Camille Tan Hojilla o mas kilala natin sa kaniyang stage name na Miles Ocampo ay 24 na taong gulang na aktres, modelo, at singer. Isa siya sa mga mahuhusay na “child actress” noon sa “Goin’ Bulilit”.

Nabigyan na rin siya ng ilang mga proyekto noon kasama sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino. Tunay nga na nasaksihan natin ang pag-usbong ng kaniyang karera bilang isang artista.

Kung kaya naman tulad din ng ibang mga artista ay nais din naman niyang mabigyan ng malaking “break” sa showbiz tulad na lamang ng kaniyang mga kaibigan na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Nang minsan siyang maging guest sa “Tonight With Boy Abunda” ay naibahagi niya rito ang patungkol sa kaniyang pangarap noon pa man.

Batid naman ng dalaga na mayroong panahon para sa lahat ng bagay, kahit pa para sa kaniyang pangarap ay batid niyang mangyayari din ito sa takdang panahon. Ang nais daw niya sa ngayon ay ang magtanggal pa siya sa industriyang ito bilang isang aktres.

Hindi rin naman daw kasi palaging nabibigyan ng mga proyekto at trabaho ang mga artista sa ngayon kung kaya naman napakalaking bagay na iyong manatili ka sa showbiz. Sinagot din niya ang tanong kung mayroon daw ba siyang nararamdaman na inggit sa kaniyang mga kaibigan na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes na kapwa sikat na sa mundo ng showbiz.

Hindi madali ang makarinig ng mga ganitong pagkumpara sa ibang tao ngunit talagang makikita pa rin kay Miles ang pagiging positibo sa buhay. Napag-usapan din naman ang lagay ng kaniyang puso sa ngayon.

Hindi naman daw siya nagmamadali pagdating sa pag-ibig dahil sa masaya naman daw siya sa kaniyang “Me Time” at pagiging “No Boyfriend Since Birth”. Sa ngayon ay mas sinusulit niya ang bawat sandali kasama ang kaniyang pamilya at ang patuloy niyang pagtupad sa kaniyang pangarap na maging isang mahusay at kilalang artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)

Isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga kabataan na imbis na mainggit sa tagumpay ng ibang tao ay mas nararapat na magsumikap ng husto upang makamit ang pangarap sa tamang panahon. Hindi naman natutulog ang Diyos lalo na para sa mga taong taimtim na dumadalangin ang gumagawa ng paraan upang makamit ang kanilang pangarap sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media