Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, masayang masaya sa pagdating ng ika-limang anak nila na si Baby Vittorio Isaac!

Published

on

Ang pagdadalang-tao at ang panganganak ay ilan lamang sa mga biyayang mayroon ang mga kababaihan. Mahirap man at talagang nangangailangan ng lakas at katatagan ay marami pa ring mga kababaihan ang nais magbuntis at magsilang ng kanilang mga anak at magiging mga anak pa.

Kahit gaano pa kadelikado ang maaaring maidulot nito ay hindi talaga hinahayaan ng mga nanay at ilaw ng tahanan na hindi mabigyan ng kapatid ang kanilang panganay na anak at hindi mabigyan ng isa o higit pang anak ang kanilang kabiyak. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang napaka-fresh at napaka-blooming na larawan ni Kristine Hermosa-Sotto kasama ang kaniyang mister na si Oyo Boy Sotto at ang kanilang new born baby na si Baby Vittorio Isaac.


Naging ligtas ang panganganak ng aktres nito lamang ika-3 ng Agosto. Laking pasasalamat naman ni Oyo sa mga taong nanalangin at sa mga taong tumulong sa kanilang mag-asawa.

Maliban sa larawan nilang magkakasama ay nagbahagi din naman ng isa pang litrato si Oyo kung saan naman makikita nang malapitan ang mukha ng bagong silang nilang anak. Napaka-cute nito habang nakadilat ang kaniyang dalawang mga mata.

Hindi magkamayaw ang mga netizens sa pagbati sa mag-asawa at gayundin naman sa pagkokomento kung gaano kaganda ang aktres matapos ang kaniyang naging panganganak. Kapansin-pansin kasi ang pinkish glow sa kaniyang mukha at ang walang kupas nitong kagandahan.

Maaalalang unang nagkamabutihan ang dalawa matapos na maging magkatrabaho sila sa “Enteng Kabisote”, nagpakasal sila noong taong 2011. At makalipas ang 10 taon ay mayroon na silang limang mga anak. Si Ondrea Bliss ang kanilang panganay na isinilang noong 2011.

Nang taon ding iyon ay kinupkop nila ang adopted son nilang si Kristian Daniel. Makalipas pa ang tatlong taon ay nagsilang si Kristine ng isa pang lalaki, si Kalebb Hanns. Taong 2016 naman ay si Vin at ngayong taon naman ay ang bunso nilang si Baby Vittorio Isaac.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media