Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, ipinasilip sa publiko ang napakaganda nilang bahay na regalo mismo ng pamilya ni Neil para sa kanila!

Published

on

Ang pag-aasawa ay isang “life changing decision” at isa sa mga bagay na hindi natin basta basta matatakbuhan sa oras na nagsawa o nahirapan na tayo. Sabi ng mga matatanda, sa oras na magpakasal ka sa taong iniibig mo ay hindi mo na ito maibabalik pa sa dati tulad na lamang halimbawa ng mainit na kanin na kapag napaso ay maaari mong iluwa.

Kung kaya naman sa oras na magkaroon na tayo ng sarili nating kaisipan ay agad na tayong pinaaalalahanan ng ating mga magulang. Sa gitna ng pandemya, maraming mga kasalan ang naudlot at pinagpaliban na muna.

Tulad na lamang ng kasalang Angel Locsin at Neil Arce. Idinaos ang simpleng Civil wedding nila sa Taguig City Hall noong Hulyo 26, 2021 na pinangunahan mismo ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Nagulat ang publiko dahil sa napakasimpleng selebrasyon ng kanilang kasal ngunit noon pa man ay talagang kilala na ang dalawa sa pagiging simple at hindi magarbo lalo na sa mga bagay na hindi naman din dapat pagkagastusan ng husto. Hindi man ito ang orihinal na plano nila para sa kanilang kasal ay minabuti na lamang nila ang simpleng kasalan dahil sa walang kasiguraduhan na sitwasyon natin sa ngayon.

Naging usap-usapan din naman ang magiging bahay ng bagong kasal na iniregalo mismo ng pamilya ni Neil para sa kanilang dalawa. Aminado silang nahirapan silang maghanap ng bahay kung kaya naman sa condo ni Neil o ni Angel na lamang dapat sila maninirahan.

Ngunit nagdesisyon ang pamilya ni Neil na ibigay sa kanila ang bagong renovate nilang bahay. Laking pasasalamat din naman ni Angel sa napakagandang regalo na natanggap nila sa mga ito.

Ayon sa producer na si Neil, ang aktres daw talaga ang naging abala sa pag-aayos ng kanilang tahanan. Ipinasilip din nila sa kanilang mga tagahanga ang napakagandang bahay nila sa kanilang YouTube channel na The Angel and Neil Channel.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media