Connect with us

Showbiz

Julia Barretto, nakasama ang kaniyang ina na si Marjorie Barretto at ang kaniyang nobyong si Gerald Anderson sa kaniyang latest vlog na labis na kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Si Julia Francesca Barretto Baldivia o mas nakilala natin bilang si Julia Barretto ay 24 taong gulang na aktres at modelo. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at magandang hubog ng katawan.

Mahusay din siyang aktres kung kaya naman marami talaga ang sumusuporta sa kaniya. Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang mapabalita ang third party issue nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Ayon sa ilang mga balita ay nagkaroon ng pagkakamabutihan sina Gerald at Julia habang sila ay magkatrabaho sa isang pelikula. Naging dahilan diumano ito upang ma-“ghosting” ang aktres na si Bea Alonzo ng noon ay nobyo niyang si Gerald.

Kahit na mahigpit na giniit nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon noon ay marami pa ring naniniwala na totoo ang mga pangyayaring ito. Sa ngayon ay wala naman nang sigalot pa sa pagitan nilang dalawa, mukhang masaya na rin naman si Gerald at Julia sa kanilang relasyon ngayon.

Gayundin naman ay nakahanap na ng matinong lalaki ang aktres na si Bea sa katauhan ng kaniyang rumored boyfriend na si Dominic Roque. Kamakailan lamang ay naglabas ng bagong vlog si Julia sa kaniyang YouTube channel kung saan nakasama niya ang kaniyang nobyo at ang kaniyang Mommy Marjorie.

Sa kaniyang vlog ay nagkaroon sila ng “Who Knows Me Better Challenge”. Ilan sa mga naging tanong ay ang paboritong inumin ng aktres, paborito niyang kanta, at ang mga hilig nito.

Nagulat ang marami na parehong tama ang mga sagot ni Gerald at Marjorie kung kaya naman naging “tie” ang naturang challenge. Marami din naman sa mga fans ng JuRald (Julia Gerald), ang kinilig dahil sa latest vlog na ito ng aktres.

Mahahalata kasi na komportableng-komportable talaga ang pamilya ni Julia at ang kaniyang nobyo sa isa’t-isa. Madalas ding makikita ang mga posts ni Julia na larawan kasama ang kaniyang nobyo sa kanilang mga bakasyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media