Connect with us

Showbiz

John Lloyd Cruz, nagbahagi ng larawan kasama ang kaniyang ama at anak na si Elias bilang pagbati sa kaarawan ng kaniyang ama!

Published

on

Ang pagkakaroon ng anak at pagiging isang ganap na magulang ay isa lamang sa pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo. Hindi matatawaran ang saya at kagalakan na mararamdaman mo sa oras na ikaw ay naging isang magulang na.

Mahirap man at nakakapagod kung minsan ngunit masasabi mo pa ring iba ang karanasan kapag ikaw ay isa nang ama o ina. Isa na marahil sa makapagpapatunay niyan ang aktor na si John Lloyd.

Maaalalang naging kontrobersiyal noon ang relasyon nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz. Marami ang nabigla nang bigla na lamang silang umalis sa kanilang kasalukuyang proyekto noon kasama si Toni Gonzaga.

Makalipas pa ang ilang buwan ay muling namataan si Ellen na malaki na ang tiyan at ipinagbubuntis na pala niya ng mga panahong iyon ang anak nilang dalawa na si Elias Modesto. Hindi man naging matagumpay ang kanilang relasyon dahil nauwi rin ito sa hiwalayan ay nanatili naman silang magkaibigan para sa kanilang anak.

Sa ngayon ay mayroon silang co-parenting status para sa bata. Kasalukuyang engaged natin si Ellen sa kaniyang nobyong si Derek Ramsay. Madalas pag-usapan ang kanilang mga larawan at mga video na magkasama.

Habang nananatili namang tahimik ang aktor na si John Lloyd na sa ngayon ay tila trabaho ang tanging pinagkakaabalahan at ang kaniyang anak na si Elias. Kilalang pribado ang aktor lalo na pagdating sa kaniyang pamilya ngunit kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng larawan nilang mag-ama sa isang pambihirang pagkakataon ay ipinasilip niya ito sa kaniyang mga tagahanga. Kasama nilang mag-ama ang anak ni John Lloyd na si Elias. Masayang masaya naman sa larawan ang tatlo at kasabay nito ay binati din ng aktor ang kaniyang ama para sa kaniyang kaarawan.

Hindi rin nakalimutan ng aktor na magpasalamat sa kaniyang magulang dahil sa lahat ng suportang ibinibigay nito sa kaniya mula pa man noon at hanggang ngayon na siya ay mayroon nang sariling anak. Marami naman sa mga netizens ang nag-like at nag-react sa post na ito ng batikang aktor.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media