Connect with us

Showbiz

Jinkee Pacquiao, inalagaan at inasikaso ng husto ang mister na si Manny pagkatapos ng naging laban nito kay Ugas.

Published

on

Hindi man nagwagi ang 42 taong gulang nating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas (35 taong gulang) ay hindi pa rin natinag ang suporta at pagmamahal ng sambayanang Pilipino para sa kaniya. Sa murang edad ay talagang ipinamalas na ni Manny noon pa man kung gaano siya kagaling at kahusay bilang isang boksingero.

At dahil na rin sa matinding determinasyon niya ay nagawa niyang maiahon ang kaniyang pamilya sa matinding kahirapan. Sa ngayon ay isa na siyang negosyante, pulitiko at preacher.

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang sumusuporta at nagbibigay respeto sa kaniya dahil sa isa siyang mabuting tao. Marami na rin ang kaniyang natulungan dahil sa kaniyang pagkakawang-gawa.


Wala nang kailangan pang patunayan ang Pinoy legendary boxer sa taas ng ring ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban upang ipagmalaki ang ating bansa sa buong mundo. Maliban sa pagiging isang mahusay na boksingero at senador ay isa ring mabuting asawa at ama si Manny.

Kung kaya naman todo suporta din ang buo niyang pamilya para sa kaniya. Hinangaan din ng publiko ang naging pag-aasikaso at pag-aalaga ni Jinkee sa kaniyang kabiyak.

Halatang pagod pa si Manny dahil sa naging laban nila ng kaniyang katunggali ngunit si Jinkee na mismo ang nagsubo ng pagkain sa kaniya upang bumalik ang kaniyang lakas. Tunay nga na ang isang mabuting asawa ay palaging nakasuporta sa iyo sa hirap at ginhawa, sa pagkatalo man o pagkapanalo sa hamon ng buhay.

Tiyak na mas maraming tao ang mamumulat dito na hindi naman kailangan na maging mayaman o literal na matalo sa isang laban upang iparamdam natin sa mga taong mahal natin na mahalaga sila. Bagkus ay maaari natin itong gawin araw-araw lalo na ngayon na ang ating mga bukas ay tila walang kasiguraduhan dahil sa napakaraming pangyayari sa ating paligid.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media