Connect with us

Viral

Isang Overseas Filipino Worker, malungkot na iniwan ang kaniyang alagang aso sa Afghanistan!

Published

on

Naging laman na ng balita ang kasalukuyang kaguluhan ngayon sa bansangAfghanistan nitong mga nagdaang linggo. Marami ang labis na nababahala at nangangamba dahil sa karamihan sa ating mga kapwa Pilipino ay nagtatrabaho at naninirahan dito.

Sa ngayon ay ang grupong Taliban na ang mayroong kontrol sa maraming mga lugar sa bansa. Nakakalungkot mang isipin ngunit marami nang nasawi at nasaktan dahil sa kaguluhan na ito.

Kung kaya naman talagang sinisikap ng maraming mga bansa na mailigtas ang kani-kanilang mga kababayan. Isa na ang Overseas Filipino Worker o OFW na si Mark Suela sa mga nailigtas sa posibleng kapahamakan na ito.


Siya ay isang security officer sa Afghanistan at katuwang niya sa kaniyang trabaho ang bomb-sniffing dog niyang si Tiny. Napilitan siyang iwanan ang kaniyang alagang aso sa Kabul dahil isang bag lang ang maaaring dalhin sa kaniyang pag-alis.

Labag man sa kaniyang kalooban ay wala na siyang nagawa pa kundi iwanan ang kaniyang alagang aso roon. Ramdam ni Mark na gusto ring sumama sa kaniya nito ngunit wala siyang magawa kundi iwanan na muna ito at manalangin na maging ligtas ang alaga hanggang sa muli nilang pagkikita kung maipagkakaloob pa ng panahon.

“Umaasa ako na sana safe siya at walang masamang nangyari sa kanya. Sana may chance pa ulit na makuha siya kung halimbawa lang, maibalik man, makita ko ulit.” Pahayag ni Mark.

Tunay nga na napakahirap ng ganitong sitwasyon hindi lamang sa mga kapwa natin Pilipino o maging sa mga alaga nilang mga hayop kundi lalo’t higit sa mga taong naninirahan na talaga sa bansang ito. Mga sanggol at bata, mga matatanda at mayroong kapansanan na hindi lamang nakikipaglaban sa pandemyang nararanasan natin sa ngayon kundi maging sa mga kaguluhan at digmaan na tayong mga tao din naman ang labis na masasaktan.

Sana ay magkaroon ng milagro at mailigtas pa ang mga tao at hayop sa bansang ito na nababalot ngayon ng matinding kaguluhan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media