Connect with us

Viral

Isang dalaga na mayroong malalang sakit, agad na niyaya ng kasal ng kaniyang nobyo nang magising ito mula sa pagkaka-coma!

Published

on

Isang magkasintahan ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahit na ano mang sakit o karamdaman upang sila ay magkaroon ng “happy ever after”. Naitampok sa “Brigada” ang kwento ng isang Pinay na si Viktoria Cupay na mayroong lupus.

Sa Amerika na naninirahan ang kaniyang pamilya kung kaya naman agad siyang nadala sa pagamutan nang matuklusan ang mga sintomas ng kaniyang karamdaman. Ang kaniyang ina mismo na si Greta Cupay ang nagsugod sa kaniya sa ospital.

Pang-habang buhay na sakit na ang lupus kung kaya naman sinisikap na lamang niya na gawin ang lahat upang hindi na lumala pa ang kaniyang kondisyon. Ngunit taong 2019 ay dinapuan naman siya ng Stevens-Johnson syndrome at isang sakit sa balat na lubhang nakamamatay.


Ayon sa kaniyang ina na si Greta ay lahat talaga ng balat sa kaniyang mukha ay natanggal na. Talagang hirap na hirap ang loob ng ina sa pinagdaraanan ng anak ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin na malalagpasan din ng kaniyang anak ang suliranin na ito.

Dahil sa mahirap na sitwasyon ay sinabihan na sila ng mga doktor na maaaring hindi na makayanan pa ni Viktoria ang kaniyang mga karamdaman. Ngunit batid ng kaniyang ina na isang palaban na bata ito kung kaya naman talagang mas tinatagan pa niya ang kaniyang loob para sa anak.

Isang buwan pa ang nakalipas at gumalaw na ngang muli ang mukha niya kung kaya naman mas nagkaroon pa ng pag-asa ang kaniyang pamilya na siya ay gagaling pa. Para naman sa dalaga ay isa na talaga itong milagro.

Hindi rin daw niya inakalang ilang beses na siyang kinailangang i-revive sa ospital. Nang siya ay magising mula sa pagkaka-comat0se ay hindi na nagdalawang-isip pa ang kaniyang nobyong si Nic na siya ay alukin ng kasal.

Wala mang kasiguraduhan sa kaniyang magiging kalagayan ay hindi na tumanggi pa si Viktoria. Sa ngayon ay nasa mabuti na siyang kalagayan ulit at masayang kasama ang kaniyang pamilya at si Nic.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media