Connect with us

Showbiz

Dating EB Dabarkads host na si Toni Rose Gayda, ito na pala ang pamumuhay ngayon matapos lisanin ang Eat Bulaga!

Published

on

Si Toni Rose Gayda o mas nakilala natin bilang si Toni Rose ay 62 na taong gulang na TV host at aktres. Siya ay anak ni Rosa Rosal na dati ring sikat na movie star, public servant, at Philippine National Red Cross governor.

Siya ay mayroong dugong Egyptian, French, Polish, at American. Isa na marahil sa pinakamasakit na pinagdaanan niya sa kaniyang buhay ay ang naging pagpanaw ng kaniyang anak na si Edward matapos nitong mahulog sa kanilang condo.

Kasama si Richard Reynoso ay kasalukuyan silang host ng A Song of Praise Music Festival sa UNTV. Ito ang tanging gospel music TV program sa bansa. Marami ang napamahal sa kaniya dahil sa pagiging simple at mahinhin nito.

Kahit pa nga sa kaniyang naging paghohost sa Eat Bulaga! ay talagang naging kapansin-pansin ang pagiging mahinhin niyang ito. Marami pa rin ang nagnanais na sana daw ay muli siyang mapanuod sa longest-running noontime show dahil talaga namang nagbibigaya kasiyahan din ang tambalan nila ni Allan K.


Narito ang ilan sa mga naging komento at reaksyon ng netizen patungkol kay Toni Rose:

“Balik kana sa Eat Bulaga Ms. Toni, laptrip kayong dalawa lagi ni Allan K sa Bulagaan Olympics. Namimiss na namin ang pagkamainhin mo at boses mo.” Pahayag ng isang netizen.
“62 na pala siya pero parang mukhang 40 lang, nakakamiss siya sa EB, isa sa mga magandang host at grabe mabait siya, magaling kumanta at sumayaw. Napaka-feminine pa niya.” Komento pa ng isa.

“Sana maging guest siya sa Bawal Judgemental ng Eat Bulaga o kaya naman ay kunin siya kahit isang araw lang bilang guest for sure namimiss na siya ng dabarkads niya lalo na halos dalawang dekada na siyang hindi napapanood sa Eat Bulaga.” Hiling naman ng isa pa.

Tunay nga na napakabilis talaga ng panahon. Hindi natin namamalayan na maraming taon na rin pala ang lumilipas sa ating harapan. Ngunit sa kabila ng mga ito ay marami pa rin tayong mga bagay na nami-miss at inaasam na sana ay muli nating makita, marinig at maranasan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media