Connect with us

Showbiz

Dating comedy duo na sina Mahal at Mura muling nagkita at halatang na-miss ang isa’t-isa!

Published

on

Napakaningning ng industriya ng showbiz lalong lalo na sa mga taong mayroong talento at kakayahan na pumasok at manatili sa industriyang ito. Ngunit kung inaakala nating madali at simple lamang ang lahat ay talagang nagkakamali tayo.

Matinding sakripisyo, pagod, at dedikasyon din kasi ang kanilang inilaan sa kanilang mga proyekto bilang isang artista. Sa kasamaang-palad ay wala ring kasiguraduhan ang kanilang itatagal sa industriyang ito.

Tulad na lamang ng ilang mga artista natin na sa ngayon ay tahimik na lamang na bumalik sa kanilang mga simpleng buhay noon matapos makamit ang kasikatan. Isa na sa kanila si Mura na isa rin sa mga hinahangaang komedyante noon.

Likas na masiyahin at palangiti si Mura kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang marami ang natuwa at sumuporta sa kaniya. Naging katambal din niya ang isa pang mahusay na komedyanteng si Mahal.

Ang kanilang tambalan ay talagang tumatak sa alaala ng maraming mga Pilipino. Ngunit hindi rin nagtagal at napalitan na nga ng mga bagong mukha sina Mura at Mahal sa harap ng kamera.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging panayam ng vlogger na su Virgelyn cares 2.0 kay Mura. Nasa Bicol na ngayon ang komedyante at noon nagsasaka upang mayroong maihain sa kanilang hapag-kainan.

Kasama niyang naninirahan dito ang kaniyang pamilya. Dahil na rin sa naging panayam sa kaniyang ito ay muli siyang nakita ng mga dati niyang katrabaho.

Isa na sa kanila si Mahal na talagang dumayo pa sa probinsiya upang kamustahin ang dati niyang katambal at kaibigan. Masayang masaya naman ang dalawa sa kanilang naging pagkikita.

Gaya ng dati ay napuno pa rin ng kasiyahan at halakhak ang lugar kung saan naroroon ang dalawa. Nagalak din naman ng husto si Mura dahil sa gitna ng pandemya at napakaraming mga pagsubok natin ngayon ay nararamdaman niyang marami pa rin pala ang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media