Connect with us

Showbiz

Danica Sotto-Pingris, ibinahagi na ang pagdarasal ang isa sa nagpapalakas sa kaniya ngayon sa gitna ng mga pagsubok lalo na sa panahon ng pandemya!

Published

on

Si Danica Sotto-Pingris ay 38 taong gulang na aktres at social media personality. Siya ang ay anak ng mga batikang artista na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Taong 2007 nang ikinasal siya sa kaniyang longtime boyfriend na si Marc Pingris. Ang kanilang pagsasama at nabiyayaan ng dalawang anak sina Jean Michael at Anielle Micaela.

Sa panahon natin ngayon, lalo na sa gitna ng pandemya, talagang napakahirap maging positibo at maging matatag. Ngunit para sa ating pamilya ay talagang kinakaya natin ang mga hamon ng buhay.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang post si Danica Sotto-Pingris sa kaniyang social media account kung saan isinalaysay niya dito kung paano nga ba niya nalalampasana ng mga pagsubok. Binigyang-diin niya na mahalaga ang dasal at pananalangin lalo na kung talagang sinusubok kayo ng problema.

Sa tuwing nakakaramdam daw siya ng kalungkutan ay dumideretso siya sa banyo o sa kaniyang silid upang doon siya manalangin at mag-aral ng bibliya. Ang mga talata sa bibliya ang ginagawa niyang inspirasyon sa araw-araw upang manatiling positibo.

Gayundin naman ay sinisigurado din niyang nakakausap niya ang kaniyang mga malalapit at pinagkakatiwalang kaibigan paminsan-minsan. Malaki din ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang asawa dahil ito ang nakakausap niya at nasasabihan ng kaniyang mga alalahanin.

Hindi rin ito nagdadalawang-isip na itama siya kung sakaling siya ay mayroong pagkakamali sa kaniyang mga naging desisyon. Tunay nga na hindi natin dapat balewalain ang ating mental na kalusugan lalo na sa panahon ngayon na nakakaranas pa rin tayo ng mga pagsubok sa buhay.

Mahalagang maging positibo tayo at magpakatatag para sa atin at sa mga mahal natin sa buhay. Hindi rin naman natin gusto na tayo ay magkasakit dahil hindi natin maaalagaan ang ating pamilya.

Kung kaya naman kahit gaano ka pa ka-busy sa araw-araw, tiyakin na nabibigyan mo pa rin ng oras ang iyong sarili, ang iyong relasyon sa iyong kapwa at lalong lalo na sa Diyos.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media