Connect with us

Viral

Bonggang OOTD ni Jinkee Pacquiao sa laban ng kaniyang mister na si Manny Pacquiao laban kay Yordenis Ugas, nagkakahalaga pala ng 2 milyong piso!

Published

on

Bagamat natalo si Senador Manny Pacquiao sa kaniyang naging laban sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas noong Agosto 22 ay marami pa rin ang humanga at nagbigay ng suporta sa kaniya. Unang-una na riyan ang buong pamilya niya – ang kaniyang mga anak at misis na si Jinkee Pacquiao.

Photo credit: Jinkee Pacquiao instagram

Kasama din nila ang kakambal niyang si Janet Zamora. Naging agaw-atensyon naman ang napakagandang kasuotan nila lalong lalo na ang misis ng Pambansang Kamao.

Ayon pa nga sa ilang mga ulat, umabot ng halos 2 milyong piso ang kabuuang OOTD ni Jinkee. Ang cute na mini dress niya (Zimmermann) ay nagkakahalaga diumano ng Php43,549.

Photo credit: Jinkee Pacquiao instagram

Ang kaniya namang mini Lady Dior pink alligator bag ay nagkakahalaga ng Php406, 726 hanggang Php476,026. Hindi rin naman nakaligtas mata ng publiko ang kaniyang mga maningning na accessories sa katawan.

Tulad na lamang halimbawa ng kaniyang Tiffany and Co. na Bypass Ball 18k yellow gold bracelet na nagkakahalaga diumano ng Php97,710. Ang kaniya namang suot na City HardWear 18k yellow gold and diamond pace bracelet ay nagkakahalaga ng Php926,998.

Photo credit: Jinkee Pacquiao instagram

Mayroon din siyang kwintas na Tiffany and Co. Jewel Box na nagkakahalaga naman ng mahigit Php275,000. Umabot din diumano ng halagang Php227,000 ang kaniyang Boucheron 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings.

Ang singsing naman niya ay nagkakahalaga ng Php71,500. Ito ay isang Van Cleef and Arpel’s Perlee “Pearls of Gold” ring. Maging ang kaniyang suot na Amina Muaddi Begum Glass Pumps ay pumukaw din sa atensyon ng publiko.

Photo credit: Jinkee Pacquiao instagram

Ito pala ay nagkakahalaga diumano ng mahigit sa Php112,500. Tunay nga na marami na ngayong mamahaling damit at gamit si Jinkee na nasusuot niya sa mga espesyal na okasyon na ito tulad ng laban ng kaniyang mister.

Ito ay mula sa kanilang mga negosyo at sa pinaghirapan mismo ng kaniyang pinakamamahal na asawa para sa kanilang buong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media