Connect with us

Viral

“Behind the scenes” ng ilang Primitive Survival Builders, nabulgar matapos itong matuklasan ng isang vlogger at bagong may-ari ng lugar!

Published

on

Marahil ay hindi na bago sa ating mga Pilipino ang panunuod natin ng mga videos sa social media na marami nang mga views. Nahihikayat tayong panuorin ang mga videos na mayroong maraming views, comments, at reactions.

Tulad na lamang halimbawa ng mga Primitive Survival Builders kung saan nakakagawa diumano sila ng maraming mga bagay sa isang tagong lugar tulad ng kagubatan mula sa mga simpleng materyales sa kanilang paligid. Halimbawa ay ang pagtatayo ng isang paliguan o “swimming pool” sa gitna ng gubat.


Marami ang napaniwala na nagawa ito ng mga Primitive Survival Builders sa pamamagitan lamang “termite cement” ngunit totoong semento pala ang kanilang ginagamit. Maraming mga lalagyan ng semento ang nakita sa ilang bahagi ng kagubatang ito.

Marami din sa atin ang napaniwalang iniigib pa nila ang balde-baldeng tubig para lamang mapuno ang kanilang DIY swimming pool ngunit ang totoo ay water pump pala ang kanilang ginagamit na nakatago lamang sa ilang mga kawayan. Habang ang pintura naman ay hindi pala mula sa piniga at dinikdik na dahon kundi mula sa totoong pintura.

Nakakalungkot isipin na kailangan pa itong matuklasan ng vlogger sa likod ng Amazing Cambodia by PhotoXpression. Sinong mag-aakala na para lamang sa milyong-milyong views at malaking kita sa paggawa ng mga primitive videos na ito ay hahayaan na lamang ng ibang tao ang kawawang kagubatan na puno ng kalat at dumi na tiyak na magtatagal sa mahabang panahon?

Sana ay mas maging maingat tayo sa mga bagay na ginagawa natin sa ating paligid. Lalo na sa panahon natin ngayon na patuloy na kumakalat ang pandemya sa iba’t-ibang sulok ng mundo.

Mas dapat nating pahalagahan ang ating kapaligiran, tubig man ito, lupa o sa himpapawid. Dahil sa naging pagbubunyag na ito ay tiyak na mas marami pang mga tao ang matatauhan at magdadalawang-isip na sirain ang ating Inang Kalikasan para lamang sa kanilang pangsariling interes.

Source: RachFeed


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media