Connect with us

Showbiz

Barbie Forteza, nag-react sa mga naging kissing scenes ni Jak Roberto noon sa kaniyang mga naging proyekto!

Published

on

Likas na sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga idolong artista. Lokal man o dayuhang mga personalidad aytalagang hindi nakakaligtas sa maraming mga Pilipino lalo na sa panahon ngayon na laganap na ang social media. Sa dinami-rami ang mga celebrity couples sa Pilipinas, isa na marahil sina Jak Roberto at Barbie Forteza sa mga hinahangaang young celebrity couples.

Madalas ding inaabangan ang kanilang mga videos sa kanilang mga YouTube channel. Kamakailan lamang ay pinagbigyan na ng aktor na si Jak ang kanilang mga tagahanga na makita ang reaksyon ng kaniyang nobya na si Barbie Forteza sa kaniyang mga naging kissing scenes noon.

Ilan sa mga naging kapareha o leading lady ni Jak kung saan nagkaroon siya ng kissing scenes ay sina Glaiza de Castro, Chynna Ortaleza, Sheena Halili, Lauren Young, Klea Pineda at ang aktor na si Royce Cabrera. Noong una ay nagulat si Barbie dahil sa pagiging agresibo ng paghalik ni Jak kay Glaiza sa isang scene nila sa kanilang proyekto.


Ngunit batid naman ng aktres na propesyonal ang lahat ng naging pagganap ni Jak. Naging maayos din naman at magaan ang pakiramdam ni Barbie sa kissing scenes ng kaniyang nobyo kina Chynna Ortaleza, at Sheena Halili.

Ngunit tila uminit ang ulo ni Barbie nang bahagya nang makita ang reaksyon at pagsulyap ni Jak sa dibdib ng karakter ni Lauren Young. Kalaunan ay nagkatuwaan na lamang ang dalawa at nagpahayag din naman ng suporta sa isa’t-isa.

Marami ding mga netizens ang nag-react sa larawan ni Jak at Klea Pineda kung saan tila sweet na sweet sila sa isang larawan. Marami din daw ang nais makiramay kay Barbie at nagsabing kailangan na niyang mag-“shot” o mag-inom.

Nilinaw din naman ni Jak na ito ay promosyon lamang ng kanilang proyekto. Ipinakita din ni Jak kay Barbie ang ginampanan niyang karakter noon bilang isang gay na labis din namang hinangaan ng kaniyang nobya.

Talaga namang marami ang natutuwa sa kanilang dalawa dahil sa palagi silang nakasuporta sa bawat isa lalo na pagdating sa kanilang trabaho. Tiyak na malayo pa ang kanilang mararating at mas marami pa silang matutupad na mga pangarap lalo na at sila ay magkasamang dalawa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media