Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann, ipinasilip ang eco-friendly at napakasayang pagdiriwang ng 2nd birthday ng kaniyang anak na si Lilo!

Published

on

Nagkaroon ng simple ngunit napakasayang pagdiriwang ang pamilya ni Andi Eigenmann kasama ang ilan sa malalapit nilang kaibigan para 2nd birthday celebration ng kanilang anak na si Lilo. Si Andi ay minsan na nating hinangaan noon bilang isang mahusay na aktres at modelo.

Siya ay anak ng dalawang batikang mga artista na sina Jaclyn Jose at ang nasirang Mark Gil. Naging kontrobersiyal ang pangalan niya noon nang siya ay nabuntis sa panganay niyang anak na si Ellie.

Anak nila ito ng dati niyang nobyong si Jake Ejercito. Mayroon na rin silang dalawang anak ng kaniyang partner ngayon na si Philmar Alipayo, si Lilo at si baby Koa.

Para sa ikalawang taong kaarawan ni Lilo ay ninais ng aktres na magdaos sila ng isang eco-friendly birthday party. Dinaluhan ito ng piling mga kaibigan at kapamilya nila.

Idinaos ito sa isang events place sa kanilang lugar. Sa panahon ngayon na patuloy pa rin nating nararanasan ang pandemya sa bansa ay napakasarap lang pagmasdan na nag-enjoy talaga ang mga bata sa naging pagdiriwang na ito ng kaarawan ni Lilo.

Nagpasalamat din si Andi sa mga taong nakatuwang niya upang maisakatuparan ang kanilang eco-friendly birthday celebration. Napakaraming mga pagkain ang naihain na talaga namang katakam-takam at masustansiya.

Marami ding prutas na punong-puno rin ng nutrisyon. Maging ang ilan sa mga regalo para kay Lilo ay nakalagay din sa mga eco-friendly gift wrapper o gift bag na gawa sa dahon ng saging sa halip na sa papel o plastic.

Talaga namang maraming mga magulang ang natuwa sa naging selebrasyon nilang ito. Hindi naman pala kailangan na maging magarbo at gumastos ng malaking halaga ng pera para sa pagdiriwang ng kaarawan kahit pa ng ating mga anak.

Maaari din naman natin silang bigyan ng masayang selebrasyon nang hindi tayo gumagastos ng malaki at hindi nahihirapan ang ating Inang Kalikasan. Talaga namang nakakamangha, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media