Connect with us

Showbiz

Anak ni Ara Mina na si Amanda Gabrielle, kinagigiliwan ng publiko dahil sa pagiging bibo at cute nito!

Published

on

Ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya ay isa na marahil sa pinakamagandang biyaya na ating mararanasan sa ating buhay. Hindi lahat ng tao ay mayroon nito kung kaya naman talagang pinag-iingatan at pinahahalagahan ito ng marami sa atin.

Sa kabilang banda, mayroon din namang iilan sa atin ang nabibigo muna ng ilang beses bago pa man matagpuan ang tunay na pag-ibig. Ngunit hindi naman lahat ng kabiguan ay masasabi nating puno ng sakit at hinagpis.

Tulad na lamang ng ilang mga sikat na personalidad tulad ni Ara Mina, hindi man nauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ay nabiyayaan naman sila ng isang napakagandang anak na si Amanda Gabrielle. Siya ang itinuturing ng aktres na naging napakagandang pagbabago na nangyari sa kaniyang buhay kung kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa buhay ng kaniyang unica hija.


Kung kaya naman nang siya ay ikasal sa kaniyang nobyong si Dave Almarinez ay pinaghandaan din niya ang magiging parte ng kaniyang anak sa espesyal na araw niyang ito. Ipinagpagawa din niya ng napakagandang white ball gown ang kaniyang anak na terno sa kaniyang suot na wedding gown.

Kitang-kita naman ang suporta at pagmamahal ni Amanda sa kaniyang ina. Napansin din ng maraming mga netizens kung gaano siya ka-bibo at ka-cute sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa kaniyang social media account.

Sa ngayon ay sobra sobra na ang kaligayahan ni Ara dahil sa mayroon nang bagong magmamahal sa kaniyang anak, si Dave na handa ring maging isang ama para kay Amanda. Isa na silang buo at kumpletong pamilya ngayon.

Patunay lamang ito na maaaring nakakaranas tayo ng pagsubok o kabiguan sa buhay ngunit darating din ang panahon na makakaranas din tayo ng kaginhawaan at labis na kagalakan kung kaya naman huwag dapat tayong mawalan ng pag-asa lalo na kung maraming mga tao pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa atin.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media