Connect with us

Showbiz

Alex Gonzaga, ipinasilip sa kaniyang mga tagasubaybay ang naipundar niyang condo unit mula sa kaniyang pagba-vlog at pag-aartista!

Published

on

Marami ang makapagpapatunay na hindi talaga madali ang kumita ng pera lalo na sa panahon natin ngayon. Hindi maipagkakailang maliit lamang ang kita ng maraming mga Pilipino ngunit ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin ay talaga namang napakadalas.

Photo credit: Alex Gonzaga Official youtube channel

Nakakalungkot mang isipin ang katotohanan na ito ngunit mas pinipili na lamang ng maraming mga Pilipino na maging positibo at mas madiskarte sa buhay. Dahil din dito ay mas marami sa atin ang mas nagiging praktikal at nagsusumikap na mag-invest habang bata pa.

Tulad na lamang ng sikat na aktres at host na si Alex Gonzaga. Maliban sa pagiging mahusay na vlogger at likas na komedyante ay marami din ang humahanga sa kaniya dahil sa pagiging madiskarte at maparaan nito sa buhay.

Photo credit: Alex Gonzaga Official youtube channel

Maliban kasi sa kaniyang mga naipundar na negosyo at nakapag-invest na rin siya sa pamamagitan ng pagbili ng isang condominium unit. Ang kaniyang condo unit ay matatagpuan sa Pasig City.
Mayroon itong sukat na a119 sqm. Tunay nga na napakagandang investment nito para sa tulad niyang artista.

Napagdesisyon din naman ni Alex na pa-rentahan na lamang ang kaniyang condo unit upang mas kumita siya ng pera. Mayroon na din naman kasing bahay at lupa ang kaniyang Mommy Pinty at Daddy Bonoy at ang kaniyang ate na si Toni Gonzaga.

Photo credit: Alex Gonzaga Official youtube channel

Niregaluhan din naman sila ng kaniyang mga biyenan ng sarili nilang lote ng mister niyang si Mikee. Mayroong dalawang kwarto ang condo unit niyang ito at ipinasilip din niya sa publiko kung paano niya ito inaayos at binilhan ang mga gamit o furniture.

Photo credit: Alex Gonzaga Official youtube channel

Talaga namang naging napakaganda ng resulta ng kaniyang condo unit. Patunay lamang ito na wala sa edad o kasarian o maging estado sa buhay kung ikaw ay magiging matagumpay sa buhay.

Ito ay naaayon din sa ating pananampalataya sa Diyos, diskarte sa buhay, at pagsusumikap para maabot ang ating mga pangarap tulad na lamang ni Alex.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media