Connect with us

Showbiz

“Wag ma-fall agad at di dapat magmadali sa anumang bagay” Paalala ni Piolo Pascual para sa mga taong madaling ma-fall sa iba!

Published

on

Si Piolo Jose Nonato Pascual o mas nakilala ng publiko bilang si Piolo Pascual ay 44 taong gulang na aktor, singer, modelo, at producer. Isa siya sa may pinakagwapong mukha sa industriya ng show business.

Sa edad na 44 ay talagang marami pa rin ang humahanga sa kaniya at nangangarap na makatrabaho siya. Kamakailan lamang ay ipinalabas na ang bago niyang pelikula, ang “My Amanda” kung saan kasama niya ang mahusay ding aktres na si Alessandra de Rossi.

Umani ng papuri ang kanilang proyekto mula sa maraming mga netizens. Sa isang interview naman nina Piolo at Alessandra ay nagbahagi ang aktor ng isang mahalagang payo para sa mga taong umiibig, nasaktan, at pinaasa.

Ayon kay Piolo, huwag daw basta basta ma-fall sa isang tao. Kilalanin muna ito ng husto bago hayaan ang puso na tuluyang umibig dito.

Madali daw kasi ang maging masaya kasama ang isang tao ngunit iba ito kung matagal na panahong karanasan na ang pag-uusapan. Hindi rind aw magandang magmadali sa mga bagay bagay dahil mas mabuti pang i-enjoy ang pagkakataon at ang sitwasyon kaysa magmadali sa mga desisyon.


“Don’t fall too soon. Make sure you know the person first. I know it’s so easy for us to fall in love but the thing is, nowadays it’s just everywhere,” Pahayag ni Piolo.

“You know it’s so easy be with somebody. You got to treasure that. You got to make sure that you’re making the right decision. It’s not always right but enjoy it, savor it. And don’t rush into anything,” Dagdag pa niya.

Sa kabilang banda naman, mayroon din sarili niyang opinyon ang kaniyang leading lady na si Alessandra. Siya rin ang sumulat, nag-direk, at nagproduce ng proyekto nilang ito.

Para sa aktres ay mayroon naman siyang karapatan na maging tanga pagdating sa pag-ibig.
“You can be tatanga-tanga basta may sasalo sa iyo. ‘Yun naman yung sinabi ni Fream (a character in the movie), ‘na sasaluhin mo naman ako pag nadapa ako, ‘di ba?’ So, I can be tanga. I have the license because I know, at the end, when I feel broken, somebody will be there,” Pahayag ni Alessandra.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media