Connect with us

Viral

Umiyak ng limang araw ang batang ito nang madiskubre niyang alagang manok pala niya ang naging hapunan ng kanilang buong pamilya!

Published

on

Likas na sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon ng alaga nating mga hayop. Bata pa lamang tayo ay namulat na tayo sa ganitong kaugalian.

Marami sa atin ang nagkaroon ng alagang “gold fish” at iba pang klase ng isda, aso at pusa, maging ibon, hamster, at marami pang iba. Mayroon pa ngang ilan sa atin na nag-aalaga din ng mga “exotic pets” at talagang pinagkakagastuhan din nila ng husto.

Nang minsang magbahagi ng kaniyang naging karanasan ang Tsino na si William Lin ay talagang marami sa atin ang naka-relate. Ayon sa kaniyang naging pagkukwento, mayroon siyang alagang sisiw noong siya ay anim na taong gulang pa lamang.

Naging malapit silang dalawa at palaging naglalaro. Kaibigang tunay ang turing niya sa alaga niyang manok. Lumaki na rin ito makalipas ang maiksing panahon.

Ngunit hindi niya akalain na mararanasan niya pala ang isa sa mga hindi niya malilimutang pangyayari nang minsang gawin nilang hapunan na mag-anak ang kaniyang alagang manok. Galing daw siya noon sa ekswela at nang hanapin niya sa kaniyang ina ang alaga niya manok ay sinabi nitong natutulog lamang daw ang kaniyang kaibigan.

Nasabik naman siya ng paghainan siya ng kaniyang ina ng paborito niyang “chicken soup”. Naubos niya ito at talagang sarap na sarap pa siya. Nang magbabandang hapon na ay muli niyang hinanap ang kaniyang alaga sa kaniyang mga magulang at sinabi naman nila na masama lamang ang pakiramdam nito.

Nang pasapit na ang gabi ay hinatak siya ng kaniyang lolo sa sulok ng kanilang tahanan at ipinagtapat ang nakakalungkot na pangyayari. Ang kinain pala nila bilang hapunan ay ang alaga niyang manok!

Talaga namang masamang masama ang loob niya sa nangyari at iniyakan niya ito ng limang araw. Hindi niya kasi akalain na hindi lamang nawala ng tuluyan ang kaniyang kaibigan kundi sila pa mismo ng kaniyang pamilya ang kumain sa kawawang manok.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media