Connect with us

Showbiz

Silipin natin ang simple at masayang buhay ngayon ni Paw Diaz na isa nang vlogger at working mom sa Singapore!

Published

on

Si Amparo Diaz o mas nakilala natin bilang si Paw Diaz ay 34 na taong gulang na dating aktres, modelo at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga naging “finalist” ng reality artist search ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Isa sa mga napansin sa kaniya at hinangaan ng publiko ay ang kaniyang napakagandang “dimples”.


17 taong gulang pa lamang siya noon nang mapabilang siya sa Top 15 ng naturang patimpalak. Hindi man siya nakapasok sa Top 10 ay nabigyan naman siya ng isa pang pagkakataon nang makakuha siya ng mataas na votes mula sa mga viewers sa “wild card”.

Napabilang siya sa Magic Circle of Five at nakamit ang ikatlong pwesto. Ang aktres naman ngayong si Erich Gonzales ang siyang tinanghal na Grand Teen Questor.

Ilang mga proyekto din ang kaniyang nagawa noon tulad na lamang ng “QPIDS” taong 2005. Taong 2010 nang maging bahagi din siya ng “Magkano Ang Iyong Dangal” na pinagbidahan naman ni Bangs Garcia.


Sa “Precious Hearts Romances: The Substitute Bride” ay naging leading lady naman siya ng aktor na si Rafael Rosell. Naging kontrabida din siya sa teleserye nina Erich Gonzales at Enchong Dee na “Maria la del Barrio”.

Ikinagulat naman ng publiko ang pagkawala ni Paw sa kalagitnaan ng proyekto nilang ito. Ayon sa ilang mga ulat ay dahil ito sa plano nilang pagpapakasal ng kaniyang kasintahan na si Fabian Sandoval.


Batid naman daw ito ng management bago pa man niya tanggapin ang kontrabida role sa naturang programa. Taong 2011 ay nagpakasal na nga ang dalawa at napagdesisyunan nilang manirahan na sa Singapore.


Dito ay nabiyayaan sila ng dalawang mga anak na sina Lucas, 6 na taong gulang, at si Daniela na 2 taong gulang. Sa ngayon ay masaya nang namumuhay si Paw sa ibang bansa bilang isang “business data analyst for financial institutions”.

Hands-on mom rin siya at isang mommy vlogger kung saan madalas niyang ipasilip ang simple nilang pamumuhay kasama ang lumalaki nilang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media