Connect with us

Showbiz

Silipin ang masayang pamilya ng host na si Pia Guanio kasama ang kaniyang mister at dalawang mga anak!

Published

on

Taong 1979 nang una nating mapanuod ang “Eat Bulaga!” at talaga namang hanggang ngayon ay marami pa rin ang sumusuporta at sumusubaybay sa programang ito. Maging ang mahuhusay na host nito ay naging bahagi na rin ng ating buhay dahil sa nakalipas na mga taon ay palagi natin silang nakakasalo sa ating pananghalian.

Isa na marahil sa pinakasumikat na EB Dabarkads host ay walang iba kundi si Pia Guanio. Siya ay si Liana Pia Coronado Guanio-Mago sa tunay na buhay.

Sa edad na 46 taong gulang ay talaga namang masasabi nating malayo na rin ang narating ni Pia sa kaniyang karera. Taong 2012 nang maging head anchor siya ng Showbiz Central kasama sina John Lapus at Raymond Gutierrez.

Naging bahagi din siya ng 24 Oras ng GMA network. Hindi na lingid sa publiko na naging nobya siya noon ng batikang host at komedyante na si Vic Sotto.

Ito ay bago pa niya makilala ang kaniyang mister na isang businessman, si Steve Mago. Taong 2011 nang sila ay magpakasal at sa ngayon ay nabiyayaan na sila ng dalawang mga anak na babae, sina Scarlet Janine at Soleil Brooklyn.

Limang taon lamang ang pagitan ng edad nilang magkapatid kung kaya naman talagang na-eenjoy na nila ngayon ang isa’t-isa. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nakapansin na hands-on ngayon ang host sa kaniyang mga anak.

Ito ay matapos niyang magdesisyon na iwanan na ng tuluyan ang showbiz upang mas matutukan pa ang lumalaki niyang mga anak. Sa ngayon ay mas marami na siyang panahon upang magabayanat mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak.

Isa na nga sa mga bonding moments nilang mag-anak ngayon ang paglalaro ng roller blades. Hindi lamang ang mag-asawang Pia at Steve ang masayang naglalaro nito kundi maging ang kanilang mga anak.


Tunay nga na walang makakapantay sa kaligayahang hatid ng isang buo at nagmamahalang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media