Connect with us

Showbiz

Partner ni James Yap na si Michela Cazzola, hinangaan ng publiko dahil sa napakaganda pa rin niyang pangangatawan kahit dalawa na ang anak!

Published

on

Maraming mga kababaihan ang tiyak na nangangarap pa ring maibalik ang dati nilang katawan noong sila ay mga dalaga pa. Sa oras kasi na magsilang na sila ng sanggol ay talagang malaki na ang magiging pagbabago nito sa kanilang pangangatawan at gayundin naman sa mga bagay na kanilang nakasanayan na noon pa.

Photo credit: michelacazzola instagram

Kamakailan lamang ay inulan ng maraming mga komento ang mga larawan ni Michela Cazzola. Siya ang longtime partner ng professional basketball player na si James Yap.

Ang Italyanang ito ay dating isang secretariat specialist ng Asian Development Bank. Ayon sa ilang mga ulat ay taong 2011 nang magkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan.

Photo credit: michelacazzola instagram

Si James ay ang dating asawa ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Nagkaroon sila ng isang anak, si James Carlos Aquino Yap, Jr. na 14 na taong gulang na ngayon.

Mas kilala siya ng publiko bilang si Bimby. Ang relasyon naman nina James at Michela ay nabiyayaan na ng dalawang mga anak.

Photo credit: michelacazzola instagram

Sila ay sina Michael James at Francesca Michelle. Taong 2016 nang isilang ni Michela ang kanilang panganay habang 2018 naman nang isilang niya ang bunso nilang babae.

Hindi maipagkakaila na nakuha talaga ng mga bata ang kagwapuhan at kagandahan ng kanilang mga magulang. Sa paglipas ng ilang taon ay marami pa rin ang labis na humahanga kay Michela.

Photo credit: michelacazzola instagram

Dahil sa hindi mo talaga aakalain na nagsilang ng dalawang anak si Michela dahil sa napanatili pa rin nito ang balingkinitan niyang pangangatawan. Hindi lamang siya ubod ng seksi dahil talagang napakaganda rin niya.

Nakakalungkot lamang na maraming mga kababaihan ang hindi na nagagawa pang unahin ang kanilang sarili dahil sa labis ang pagkaabala sa kanilang pamilya. Kadalasan kasi ay kinakailangan na rin nilang bitawan ang kanilang trabaho upang matutukan ang paglaki ng kanilang mga anak at maasikaso pa rin ang kanilang asawa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media