Connect with us

Viral

Nawala ang anak ng ginang na ito habang namamasyal sila sa isang mall, laking gulat niya na lamang nang matagpuan ang anak!

Published

on

Walang ibang nais ang mga magulang kundi ang pagiging ligtas at malusog ng kanilang mga anak. Totoo ang kasabihan ng mga matatanda na hindi talaga kaya ng mga magulang na padapuan sa lamok ang kanilang mga anak.

Lahat ay gagawin nila upang maging komportable ang mga ito. Tunay ngang walang makapapantay sa wagas na pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Marami ang nabahala sa ibinahaging karanasan ng nanay na ito dahil sa nawala ang kaniyang anak habang sila ay namamasyal sa isang “home supply store” noon. Si Judah Abonitalla mula sa Cagayan de Oro ay abalang namamasyal noon kasama ang kaniyang mga anak.


Matapos nilang makapaglibot-libot ay nagulat na lamang siya nang mamalayan niyang tila nawawala ang kaniyang anak na tatlong taong gulang. Habang hinihintay daw nila ang kaniyang mister at doon siya nabahalang nawawala pala ang kaniyang anak.


Hinanap niya ito agad agad sa paligid ngunit di niya makita. Malakas niyang tinawag ang pangalan ng anak niyang si Zaac.

Ngunit tila manghina ang buong katawan niya nang matunton niya ang pangyapak ng kaniyang anak! Laking gulat niya na lamang dahil ang anak niya pala ay naroon lang din at natutulog sa bandang ibaba ng isang lagayan ng mga items.

Tulog na tulog ang kaniyang anak na tila ba komportableng-komportable sa kaniyang pwesto. Nais niyang matawa sa sitwasyon na iyon dahil sa naalala niyang hilig talaga ng kaniyang mga anak na mamahinga pagkatapos ng isang nakakapagod na gawain.


Sa puntong iyon ay tiyak na pagod na pagod ang kaniyang anak dahil sa pamamasyal. Bagamat walang nangyaring masama sa kaniyang anak ay nagsilbi nang aral sa kaniya ang insidente na ito.

Mas magiging maingat na siya sa susunod lalo na kung kasama niya ang kaniyang mga anak sa pampublikong lugar. Gayundin sa marami pang mga magulang na mayroon ding maliliit pang mga anak tulad niya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media