Connect with us

Showbiz

Napakagandang kapatid ni Janine Gutierrez na si Maxine, pumukaw sa atensyon ng publiko, papasukin din kaya ang showbiz?

Published

on

Si Janine Marie Elizabeth de Leon Gutierrez o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na Janine Gutierrez ay 31 taong gulang na aktres, host, modelo, at endorser. Siya ang anak ng mga beteranong artista din na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Hindi na nakapagtataka kung saan namana ni Janine ang kaniyang talento sa pag-arte at ang angkin niyang kagandahan. Naging sikat talaga ang tambalan nina Monching at Lotlot nang dekada ’80.

Marami ang kinilig sa kanilang tambalan noon na nauwi sa tunay na pag-iibigan taong 1989. Sa kasamaang-palad ay naghiwalay din sila ng taong 2007.

Hindi man naging matagumpay ang relasyon nila noon ay nabiyayaan naman sila ng apat na mga anak. Sina Janine, Jessica, Diego, at si Maxine.

Si Janine ay kilala na sa industriya ng showbiz. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isa sa mga kapatid ni Janine na si Maxine.


Mayroon din kasi siyang angking kagandahan tulad ng kaniyang ate. Maraming mga netizens ang nagsasabing mukhang magkakambal ang dalawa.

Balingkinitan din ang katawan at matangkad si Maxine. Bagamat hindi pa siya napapanuod ng publiko sa harapan ng kamera ay mayroon na din siyang ilang proyekto sa pagmomodelo.

Hindi tulad ng ibang mga kabataan ngayon ay talagang marami ang humahanga sa ganda ni Maxine kahit na wala itong make-up ay napakaganda pa rin nito. Tunay nga na sa kabila ng pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya noon ay nanatili pa rin silang matatag at magkatuwang para sa isa’t-isa.

Hindi man naging matagumpay ang relasyon ng kanilang mga magulang ay hindi ito nangangahulugang hindi na sila magkapamilya. Sa ngayon ay mayroon nang bagong kasama sa buhay si Lotlot.

Ikinasal siya sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury noong Disyembre 17, 2018. Suportado naman ito ng kaniyang mga anak dahil sa ito rin ang nakapagpapasaya sa kanilang ina.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media