Connect with us

Viral

Naaalala n’yo pa ba si Michelle Aldana, ang sikat na “beauty queen-turned-actress” noong dekada ’90? Ito na pala ang buhay niya sa ngayon!

Published

on

Noon pa man ay marami nang mga sikat na artista sa bansa. Marami sa kanila ang talagang sumisikat ng husto at nagkakaroon ng maraming mga proyekto.

Ngunit hindi lahat ay talagang nagtatagal sa industriyang ito. Maraming mga artistang nagpapahayag na hindi raw madali ang pagpasok sa showbiz at lalong hindi madali ang manatili rito.

Sa halip na magpokus ang ilan sa kanila sa pag-aartista sa Pilipinas ay may mga nagdesisyon na mangibang-bansa at doon na magtrabaho. Habang mayroon din namang iilan na doon na rin sa ibang bayan nakapangasawa at bumuo ng pamilya.

Marahil ay hindi na naalala ng iilan si Michelle Aldana ngunit isa talaga siya sa pinakasikat na “leading lady” noong kaniyang kasikatan. Dekada ’90 noon nang mabigyan siya ang pambihirang pagkakataon na makapasok sa showbiz.

Kakapanalo pa lamang niya noong taong 1993 bilang “Miss Asia Pacific”. At kaagad siyang inalok na maging bahagi ng pelikula ng yumaong Action King na si Fernando Poe Jr.

Ang action movie na “Hindi Pa Tapos Ang Laban” ang naging kauna-unahan niyang proyekto. Nito lamang 2020 ay nakapanayam siya ng “Business Mirror” kung saan sinagot niya ang ilang mga katanungan patungkol sa kaniyang naging buhay bilang isang artista at ang kasalukuyang buhay niya ngayon.

Ayon sa “beauty queen-turned-actress” ay mas nagkaroon ng interes sa kaniya ang publiko nang gawin niya ang pelikulang “Segurista” noong 1996. Dalawang taon makalipas nito ay nilisan niya ang Pilipinas at nagpakasal sa una niyang asawa na naka-base sa Germany.

Apat na taon din sila roon bago sila lumipat sa South Africa. Makalipas ang 15 taong relasyon sa kaniyang unang asawa ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Taong 2014 naman nang ikinasal siyang muli sa British-South African man na si Edward Burke kung saan kasama niya rin ang tatlo niyang mga anak. Lingid sa kaalaman ng publiko ay nasubukan din niyang umarte pa rin sa ibang bansa kahit wala na siya sa showbiz sa ating bansa.

Samantala, hindi lamang siya isang modelo at host, dahil sa isa rin siyang Yoga Teacher. Mayroon din siyang maliit na kompanya na tinawag niyang “Filipino House of Commerce”.

Ngayong taon naman ay naging bahagi siya ng “Love You Stranger” na proyekto nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media