Connect with us

Showbiz

Mga Pilipinong artista at ang kanilang mga “look-alikes” na international celebrities, kilalanin natin!

Published

on

Ayon sa ilang mga pag-aaral “less than one in 1 trillion” ang porsiyento ng pagkakaroon ng magkamukhang hitsura ng dalawang tao. Halos nasa 125 na katao lang daw ang maaaring magkamukha sa halos 7 bilyong populasyon sa buong mundo. Nakakagulat lamang na madalas ay nakakabasa at nakakapanuod tayo ng mga balita kung saan nagkakatagpo ang dalawang magkamukhang indibidwal na hindi naman talaga magkakambal o kahit magkadugo man lamang. Narito ang ilan sa mga sikat na personalidad sa Pilipinas na mayroong mga “look-alikes” na international celebrities:

JANINE GUTIERREZ AT MILA KUNIS

Si Janine Gutierrez ay mayroong malaking pagkakahawig sa American actress at producer na si Milena Markovna Kunis. Talaga namang kapansin-pansin ang nangungusap nilang mga mata na isa sa kanilang assets bilang isang artista.

KRIS LAWRENCE AT TAEYANG


Si Dong Young-bae o mas nakilala sa stage name niyang si Taeyang ay 33 taong gulang na South Korean singer, songwriter at dancer. Hindi maipagkakailang malaki ang pagkakatulad nila ni Kris Lawrence pagdating sa kanilang “facial features”.

SOPHIE ALBERT AT KAREN GILLAN


Si Bianca Regina Lyttle Reyes o mas nakilala natin bilang si Sophie Albert ay isang sikat na aktres at social media personality sa bansa. Ang kaniyang look-alike na international celebrity ay walang iba kundi si Karen Sheila Gillan na isang Scottish actress at filmmaker. Nito lamang 2017 ay muli niyang ipinamalas ang kaniyang husay sa pag-arte sa pelikulang “Jumanji: Welcome to the Jungl‪e‬”.

PIOLO PASCUAL AT ANANDA EVERINGHAM


Si Piolo ang isa sa pinakasikat na aktor ngayon sa bansa. Sa edad na 44 taong gulang ay talagang napapanatili pa rin niya ang angkin niyang kakisigan kung kaya naman mas marami pa ring mga kababaihan ang nabibighani sa kaniya. Samantala, si Ananda Everingham naman na kaniyang ka-look alike ay isang Thai actor at model na nakilala natin ng husto dahil sa kaniyang nakakatakot na movie na “Shutter”.

SOLENN HEUSSAFF AT MAGGIE Q


Aakalain mo din namang kambal ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff at ang American actress at model na si Margaret Denise Quigley o mas nakilala natin bilang si Maggie Q. “Fantasy Island” at “Designated Survivor” ang ilan sa kaniyang mga latest movies.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media