Connect with us

Viral

Magkakapatid na inabandona ng kanilang ina dahil sa kahirapan, humihingi ng tulong upang makaraos sa buhay!

Published

on

Napakahirap na ng buhay natin sa ngayon. Ang walang tigil na pagtaas ng mga pangunahing bilihin, mababang sweldo ng mga manggagawa, sinamahan pa ng matinding kahirapan at korapsyon sa bansa ay talaga namang nakakawala na ng pag-asa.


Marahin ito ang naging dahilan ng ina ng magkakapatid na ito kung kaya naman nagdesisyon itong iwanan at abandunahin ang kaniyang tatlong mga anak. Maraming mga netizens ang hindi makapaniwalang magagawa ito ng ina sa kaniyang mga anak.

Sa ngayon ay humihingi na ng tulong ang mga bata dahil sa halos isang taon na rin ang nakalilipas nang iwanan sila ng kanilang ina. Kalunos-lunos ngayon ang sitwasyon nila dahil sa ang kanilang bahay ay talagang sira sira na din.


Ang nagmalasakit na netizen na si Val Santos ang nagbahagi ng ilang mga larawan ng magkakapatid. Naglagay din siya ng ilang mga impormasyon para sa mga taong nais tumulong sa magkakapatid.

Talaga namang napakahirap ng kalagayan nila sa ngayon kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa si Kuya Val na ibahagi ang kanilang kwento sa socia media. Maraming mga netizens naman ang naantig sa kwentong ito.

Nais nilang tulungan ang mga batang ito na sa murang edad ay nakararanas na ng hindi magandang sitwasyon sa buhay. Mayroon ding iilan na nag-mention sa mga kilalang personalidad na talagang tumutulong sa mga taong hirap at naghihikahos sa buhay.

Tunay nga na mayroon tayong kaniya-kaniyang dalahin sa buhay. Iba-iba ang bigat ng ating mga pamatok na dinadala ngunit mayroon din tayong kaniya-kaniya nating pamamaraan kung paano maaayos ang problemang ating kinakaharap.


Sana lamang ay maging maayos na ang kalagayan ng magkakapatid na ito. Tunay nga na napakasakit ng nangyari na ito sa kanila.

Iniwanan man sila ng kanilang ina sa ganitong mahirap at delikadong sitwasyon ay tiyak na mayroon pa ring iilang mga tao na tutulong at susuporta sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media