Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez, masayang masaya sa bagong miyembro ng kanilang pamilya, ang kanilang baby boy!

Published

on

Si Franz Patrick Velasco Garcia o mas nakilala natin sa screen name niyang Patrick Garcia ay 39 na taong gulang na aktor at modelo. Isa rin siya sa mahuhusay na aktor at matinee idol ng kaniyang henerasyo.

Photo credit: Patrick Garcia instagram

Marahil ay marami talaga ang nabihag sa angkin niyang kakisigan at kagwapuhan noon hanggang sa ngayon. Hindi man naging maganda ang relasyon nila noon ng dati niyang nobyang si Jennylyn Mercado ay nabigyan silang muli ng pagkakataon na magkaayos para na rin sa kanilang anak na si Alex Jazz.

Photo credit: Patrick Garcia instagram

Sa ngayon ay masaya na si Jen sa piling ng kaniyang nobyong si Dennis Trillo habang mayroon na ring sariling pamilya si Patrick. Taong 2015 nang ikinasal siya at si Nikka Martinez.

Mayroon na sila ngayong apat na mga anak sina Michelle Celeste “Chelsea” (2012), Nicola Patrice (2016), Francisca Pia (2017) at ang unico hijo nilang si Enrique Pablo (2021). Nito lamang ika-15 ng Hulyo 2021 nang ibahagi ng mag-asawa ang ilang mga larawan ng kaniyang baby boy sa kanilang social media account.

Photo credit: Patrick Garcia instagram

Marami namang mga netizens ang natuwa dahil sa wakas ay mayroon na silang anak na lalaki. Tatlo na rin kasi ang anak nilang babae kung kaya naman tiyak na nangangarap din silang magkaroon ng anak na lalaki.

Buong puso din namang nagpasalamat si Nikka sa mga taong nagdasal at tumulong sa kaniyang naging panganganak. Ibinahagi din naman ni Patrick na labis ang kaniyang kasiyahan dahil sa karagdagang miyembro ng kanilang lumalaking pamilya.

Photo credit: Patrick Garcia instagram

Dagdag pa niya, napag-usapan na nila ng kaniyang misis na kailangan din nitong alagaan ang kaniyang kalusugan at pangangatawan kung kaya naman maaaring hindi na muna nila sundan ang kanilang mga anak. Naka-apat na rin kasing “CS” ang kaniyang asawa at hindi din naman daw maaaring magpahiwa ito kada isa o dalawang taon.

Photo credit: Patrick Garcia instagram

Tiyak na sabik na sabik na ang mga ate ni Enrique Pablo na makalaro siya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media