Connect with us

Showbiz

Liza Soberano, hindi pala madali ang mga pinagdaanan noong hindi pa siya artista dahil sa naranasan niya talaga ang hirap ng buhay!

Published

on

Para sa maraming mga Pilipino, ang pag-aartista ang isa sa pinakamadaling paraan upang makaangat sa buhay at yumaman. Hindi na nakapagtataka na maraming mga kabataan ngayon ang talagang nagnanais pa rin na pasukin ang industriya ng showbiz.

Photo credit: Ogie Diaz instagram

Kung madalas tayong makakita ng mga personalidad na mula sa angkan at sikat na mga artista, mayroon din namang iilan na nagsimula sa pinaka-ibaba bago makarating sa rurok ng tagumpay ngayon. Isa na sa mga artistang ito si Liza Soberano.

Si Liza o si Hope Elizabeth Soberano sa tunay na buhay ay 23 taong gulang na aktres, modelo, singer, endorser, at businesswoman. Isa siya sa mga aktres na talagang hinahangaan ng publiko hindi lamang dahil sa napakaganda niyang mukha, mahusay na pag-arte kundi dahil na rin sa kaniyang busilak na puso.

Photo credit: Ogie Diaz instagram

Kahit kasi sikat na siyang artista ngayon ay nananatili pa rin ang kaniyang mga paa sa lupa. Likas na matulungin, mabait, at talagang dalagang Pilipina si Liza kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mas maraming mga Pilipino ang sumsuporta at nagmamahal sa kaniya.

Lingid sa kaalaman ng publiko ay hindi laking mayaman ang aktres. Namulat siya sa kahirapan at talagang nagpursige sa buhay dahil nais niya talagang matulungan ang kaniyang pamilya.

Photo credit: Ogie Diaz instagram

Minsan nang ipinahayag ni Ogie Diaz, talent manager ni Liza, kung gaano siya ka-proud sa kaniyang alaga na itinuturing na niyang anak. Nang madiskubre niya daw noon si Liza ay talagang maganda na ito, makinis at talagang artistahin.

Napakabait at talagang totoong tao daw ang kaniyang alag kahit pa nga isa na siya sa pinakasikat na artista sa bansa. Noon daw ay kinailangan pang mangutang ni Liza ng halos kalahating milyong piso kay Ogie na agad naman nitong pinahiram.

Photo credit: Ogie Diaz instagram

Laking pasasalamat naman ng aktres sa pagtitiwala ng kaniyang manager at kahit pa nga wala pa siyang malaking pera noon ay hindi ito natakot na baka hindi niya mabayaran ang malaking halaga. Hindi naman nagtagal at nagkaroon ng matagumpay na commercial si Liza dahilan upang mabayaran niya agad ang kaniyang manager gayundin ang ilan pang mga tao na kinailangan niya munang hiraman ng pera.

Talaga namang nakakamangha ang aktres na ito, sabi nga ng mga fans niya: “She’s beautiful inside and out!”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media